4:13 pm

0 0 0
                                    

August 10, 2003

Dear diary,

Nang umagang iyon halos ikamatay 'ko na, akala 'ko hindi na ako sisikatan pa ng araw, hinila niya ako at itinulak sa madilim na parte, grabe ang takot ko Diary kaya kumuha ako ng bagay na pwedeng ipokpok sa kanya kung sakaling lumapit siya, may sinabi siya sa akin Diary na matagal na niya gusto akong angkinin, hindi 'ko alam kung ano ang pakay niya sa akin, hindi 'ko naman siya namukaan dahil na sa madilim na parte kami maging anv kanyang boses na tila dumadagundong pa rin sa tenga 'ko. Ang mga salitang hindi 'ko malilimutan na mapapasakanya raw ako balang araw pagkatapos ay umalis na siya, tanging bulto na lamang ang nakita 'ko hanggang sa tuluyan na naglaho.

May panibagong namatay na naman sa school, dalawang estudyante ang nakitang nakalambitin sa cr, isang babae at isang lalaki, naging maingay at nagkagulo ang lahat, ang iba ay nagsipag takbuhan sa kanila classroom, ang iba ang nag-ayos na para umuwi, pilit naman sa pagpapahinto ang mga guro subalit sa sobrang takot ng mga estudyante ay hindi na nila napansin ang mga guro na humaharang, wala naman gagawin sa paaralan kaya umuwi rin ako, muntikan pa ako madapa dahil sa mga nag-uunahan na mga estudyante kaya mas binilisan 'ko pa ang aking lakad.

Maaga ang uwian namin at mamaya pa ang aking trabaho kaya napag-isipan 'ko na pumunta kay Tatay. Pagkarating 'ko ay tahimik ang kapaligiran, sa tuwing pumupunta ako rito ay laging maingay dahil sa huni ng mga hayop pati ang asawa ni Tatay, kung si Mama ay sobrang tahimik, kabaliktaran naman niya ang asawa ni Tatay, lumabas naman ang isa sa Anak ni Tatay, tinawag 'ko naman siya at nag ning-ning naman ang kanyang mata nang makita ako, iniabot 'ko sa kanya ang munting pasalubong para sa kanila, medyo close ako sa bunso hindi nga lang sa panganay dahil sa lalaki iyon at medyo tanda sa akin ng apat na taon.

Pagkarating 'ko sa bakery shop agad na binuksan 'ko ang tv, laman nito ang balita tungkol sa namatay sa school namin, idineklara naman ng dean na isang linggo walang pasok dahil kailangan imbestigahan ang nangyari, iniisip ng iba estudyante ang pumatay sa mga ito dahil sa alitan, nagpositive naman ang mga kalalakihan sa drug test at ngayon iniimbalso na ang kanilang katawan, nakakalungkot diary dahil sa murang edad ay ganon na lamang na tapos ang buhay nila. May nakapag sabi na merong witness sa nangyari pero mahigpit na hindi ibubulgar ng Pulisya kung sino ang nakakakita sa krimen, binalikan 'ko ang ginawa at pinuntahan 'ko kanina, hindi 'ko naman sila nakita magkakaibigan at ni minsan hindi nagtakpo ang aming landas. Nakakatakot naman sa school na pinasukan 'ko diary, dapat na ba ako umalis? kasi kung aalis ako ay sayang ang scholarship 'ko panigurado ay papagalitan ako ni Tatay, bahala na! pero kailangan ko pa rin mag-ingat.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now