3:13 am

0 0 0
                                    

August 8, 2003

Dear diary,

Tuloy ang pa rin ang pasok namin kanina diary, nag-iwan naman ng mga bulaklak at kandila kung saan tumalon ang babae, usap-usapan sa paaralan na merong tumulak sa babae, hindi pa naman nakukumpirmado ng mga Pulis at kulang sa ebidensya. Naging tahimik naman ang paligid at puno ng tanong ang mga estudyante. Kanina habang papunta ako sa Locker 'ko ay parang mag sumusunod sa akin, lumingon naman ako sa ibang direksyon at para hindi niya ako mahalata, bawat hakbang niya ay parang akong kinakain ng takot kaya mas binilisan 'ko pa ang paglalakad. Nang makarating ako sa Locker 'ko ay may nakalagay na maraming c*nd*m, nagulat naman ako dahil hindi ako bumibili ng ganitong klaseng produkto, alam ko ito pero isa akong babae, napaka imposible kung ako ang gagamit nito.

Nakita naman ako ng Homeroom Guidance Teacher namin at pinagalitan ako, sinabi ko naman na hindi sa akin iyon pero hindi siya naniniwala sa mga sinasabi 'ko kaya suspended ako ng 1 week, nakatulong naman ito para makapunta ako sa isa kong trabaho, nakakapagod pero kailangan 'ko gawin at tapusin.

Nang maka-uwi ako kanina galing sa school ay may na iwan na regalo sa labas ng pintuan 'ko. Nang tingnan 'ko ay makapal na pera na puro isang libo ang laman, kinabahan naman ako baka may kaakibat na masama ito o hulog ito ng langit, nilapag ko naman sa kama ang mga pera at may naiwan na papel, ayun na naman ang code naman ng nagbigay ng pera, na pag desisyon ko na hindi 'ko gagamitin ang pera dahil hindi iyon sa akin, mas maganda yung pinaghirapan mo ang pera.

Dumating si Tatay kanina, buti na lamang natabi ko ang pera kung hindi ay deretso sa inuman iyon, hindi ko naman sinabi kay tatay ang tungkol sa nagpapadala sa akin, nagtanong naman si tatay tungkol sa babaeng tumalon sa paaralan namin, kinuwento ko naman ang buong pangyayari. Sa sobrang kalasingan ni Tatay ay nakatulog siya sa apartment 'ko, pinasundo ko naman siya sa ibang anak niya.

Hindi kami ganoon ka close ng mga kapatid 'ko sa labas, tanging ako, si Mama at Tatay ang kakilala 'kong pamilya, sila lamang...Sa paglilinis 'ko ng bahay upang pumunta sa trabaho, na iwan ni Tatay ang wallet niya sa upuan. Bubuksan 'ko sana kaso masama ang mangialam ng hindi sa kanya, sa sobrang kuryusidad 'ko binuksan 'ko ang laman ng wallet, tumambad sa akin ang librong pera, na pa isip naman ako kung saan galing ito, tiningnan 'ko naman ang pera na nakalagay sa box, wala naman bawas, imposibleng magkaroon ng ganitong kalaki na pera, mekaniko lamang ang trabaho ni Tatay at hindi iyon ganoon kalaki ang sinasahod niya, naguguluhan naman ako sa nangyayari, hindi kaya may konektado ito sa nagbigay sa akin ng pera, Imposible! Alam din ba ni Tatay na may nagbigay sa akin ng pera, masyadong magulo ang mga nangyayari. Tumingin naman ako sa labas ng store, nakatayo naman duon ang lalaking naka-itim, sinubukan ko siya lapitan diary pero naglakad ito palayo, sino ka ba talaga? ikaw ba si Thirteen?

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt