9:13 am

0 0 0
                                    

R 18+
Read At Your Own Risk‼️

August 13, 2003

Dear diary,

Nung mga oras na iyon ay bigla kaming dalawa tumahimik, walang ni isa gustong magsalita, tanging huni ng hayop at paghampas ng hangin ang naririnig namin, bigla naman hinawakan ako ni Vince sa aking magkabilaang pisngi, nangatog naman ako diary hindi dahil sa lamig kundi sa susunod na nangyari, naglapat naman ang aming mga labi at tinugon 'ko naman ang kanyang halik. Habang tumatagal naging mas mainit at mapusok ang aming ginagawang milagro. Naging mas mabilis naman ang kamay ni Vince, bawat haplos niya ay parang nanghihina ako na hindi 'ko mapaliwanag, ngayon 'ko lamang naramdaman ito diary at sa buong buhay 'ko kahit kailan hindi 'ko ito naranasan, sa tv o babasahin 'ko lamang ito nakikita at nababasa pero iba pala kapag nangyari ito sa totoong buhay.

Tumigil naman siya sa kanyang paghalik at tumitig sa aking mata, nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya dahil sa mali ang ginagawa namin, sinabi niya diary na liligawan niya ako at kapag naging kami na ay sabay kaming magtatapos para sa pangarap namin, may sinabi rin siya na papakasalan niya ako diary at mamahalin niya ako hanggang dulo, hindi 'ko alam na an'layo na nang pinanghuhugutan ni Vince, hindi 'ko alam diary kung sang-ayon ba ako o baka napipilitan lamang. Okay naman si Vince at na sa kanya ang lahat, pero hindi ako yung babae na para sa kanya, masyadong mataas si Vince para sa isang babae na katulad 'ko na nasa laylayan lamang ng mga Mayayaman.

Magsasalita sana ako kaso nakarinig ako nang putok ng baril, ang lahat ay nagkagulo sa loob, Tumatakbi kami ni Vince palabas ng Hall, hindi na namin mabilang ni Vince kung ilang putok ng baril ang aming naririnig ang mahalaga ay makaalis kami rito. Pagkapasok namin sa Kotse ay agad na pinaandar na ni Vince ang kotse, parehas kami gulat sa pangyayari, hinawakan naman niya ang kamay 'ko diary para kumalma ako dahil sa nanginginig ito, hindi 'ko alam kung saan nanggagaling ang putok ng baril at kung sino ang mga namanaril dahil sa puro usok ang kapaligiran, may mga duguan naman akong nakita at ang iba naman ay naliligo sa sarili nilang dugo. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking kamay, kaya naligo muna ako diary.

Habang naliligo ako kanina ay nakarinig ako ng kaluskos sa pinto, binilisan 'ko naman maligo at baka ang landlord, paminsan kasi pumapasok na lamang ito para hilutan ako o para bigyan ako ng pagkain kaso kapag singilan na ay nagiging dragon na ito. Pagkalabas 'ko ay tumambad sa akin ang landlord na may dalang nakabalot na malaking regalo inilagay naman niya ito sa kama 'ko at nag-iwan daw ng sulat ang nagbigay na pinapasabing ibigay daw ito sa akin pagkatapos ay agad naman siya lumabas. Binasa 'ko naman kung kanino galing ito at hindi naman ako magtataka sa kay Thirteen ang galing na regalo na ito, dahan dahan 'ko naman tinanggal ang ribbon nito at unti-unting binuksan at tumambad sa akin ang litrato ng mga duguan kanina...

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now