4:13 am

0 0 0
                                    

September 10, 2003

Dear diary,

Binuksan naman niya ang mga bintana upang makalanghap ng sariwang hangin, sa paraang iyon ay nakaramdam naman ako ng pagkasisi dahil sa palagi 'ko na lamang siya pinag-aalala. Bukod sa ilang beses 'ko na siya tinakasan at tangkain patayin pero heto siya pinagsisilbihan ako. Minsan nagdududa ako sa mga kilos niya, na baka isa lamang iyong patibong upang mahulog ang loob 'ko sa kanya, sa kabilang banda naalala 'ko pa rin ang mga taong pinatay niya sa harap 'ko.

Na upo naman siya sa pang isahang sofa habang nakatingin sa gawi 'ko habang ako ay nakatingin sa mga bituin. Sinabi naman niya ay sa susunod na buwan ang aming kasal na ikinagimbal 'ko. Tumutol naman ako dahil sa ayoko siya pakasalan pero hindi siya nagpatinag, tanging seryosong emosyon lamang ang ipinapakita niya sa akin. Tinanong 'ko naman siya kung ano ang magagawa 'ko upang hindi ikasal sa kanya pero walang magagawa kundi ang ikasal ako sa kanya.

Tinanong 'ko naman siya kung kanino ito dahil sa kumpleto ang lahat ng kagamitan, ito raw ay para sa'kin na ikinakunot 'ko ng noo, nalaman niya sa kakilala 'ko na gusto maging ganito ang apartment 'ko. Tumanggi naman ako na hindi 'yon totoo dahil sa kahihiyan.

Sinabi niya rin na kailangan 'ko rin magsanay humawak ng mga armas dahil sa kailangan 'ko rin pumatay dahil magiging parte na rin ako ng organisasyon, hindi naman ako pumayag kahit na ano gawin nila, nairita naman siya sa naging tugon kaya tumayo at pumunta sa gawi 'ko, bumangon naman ako dahil sa kung ano ang gawin niya sa'kin. Umupo naman siya sa tabi 'ko, pagkatapos may inilabas siyang maliit na kutsilyo na ikana-atras 'ko.

Inabot niya naman sa akin ang kutsilyo at agad ko kinuha, sinabi niya na sugatan 'ko raw ang braso niya ikinailing 'ko. Hinila naman niya ako kaya agad na pa dikit ako sa kanya, muntikan na tuloy tumusok ang kutsilyo. Inilahad naman niya sa akin ang braso na susugatan 'ko na aking ikinailing. Tinuruan naman naman niya ako kung saan ang mga pulso ng isang tao na dapat 'ko tamaan, pagkatapos ay bumalik naman kami sa susugatan 'ko.

Kinabahan naman ako at baka mamatay siya ng dahil sa akin kahit na binigyan niya ako ng permiso na sugatan 'ko siya. Unti-unti 'ko nilapit ang kutsilyo at agad na ito'y dinaplisan, may tumalsik naman sa mukha kong dugo. Kitang-kita ng dalawang mata 'ko kung paano dumanak ang dugo mula sa braso ni Thirteen, napatakip naman ako ng bibig dahil sa hindi 'ko akalain na magagawa 'ko iyon, sa buong buhay 'ko, hayop lamang ang kinukutsilyo 'ko hindi tao!

Huminga naman ako ng tawad dahil dumudugo nitong braso, ngumiti naman siya sa akin na ikinabilis nag tibok ng puso 'ko. Ngayon 'ko lamang siya nakita ng gano'ng emosyon, pumasok naman siya sa cr tsaka iginamot ang cr habang ako ay natulala dahil sa matatamis niyang ngiti.

Pagkalabas niya sa banyo, agad naman siya tumabi sa'kin, may isang pagitan ang layo namin dahil sa malaki ang kama. Nakatingin lamang ako sa mga bituin habang pumipikit-pikit ang mata. Hindi 'ko alam kung saan 'ko nakuha ang lakas ng loob na tanungin 'ko siya kung mahal niya ako. Sa sobrang tagal niya makasagot kinakain na ako ng antok kasabay ng paglibot ng braso niya sa katawan 'ko.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt