Chapter 6: Cleo Shin Hye (A Threat)

101 4 0
                                    

-CZARINA-

Pinalipas ko muna ang isang linggo before I attempt to tell Ford about Dixon. Kinukulit na rin kasi ako ni Dixon eh. He seems to be so excited na maging girlfriend ako.

(I’m a bit disappointed pero wala naman akong magagawa na. It was just two weeks since you met him, kaya parang ang bilis naman ata. But if tito Miguel allowed him already, what’s the purpose of consulting me. Besides, I‘m just your BESTFRIEND)

Hindi man niya aminin sa’kin pero halatang nagtatampo siya. Nakaka-guilty tuloy.

“Puwede naman akong hindi pumayag kung ayaw mo”

(Of course you shouldn’t do that. Kung masaya ka naman sa taong ‘yan, which is obviously yes, payag na ako. What friendship is for kung magiging selfish ako sa‘yo ‘di ba? Just tell him that I have an eye on him. If he does something bad on you, I’ll be there to flog him. At sana kahit may boyfriend kana, hindi mo ako makalimutan)

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil pumayag na siya. Alam ko kasi that even he allows me to be courted by the man he hates the most, nagtatampo pa rin siya. 

***

As expected, ikinatuwa ni Dixon ang naging desisyon ng bestfriend ko. Sinimulan niya kaagad ang panliligaw sa’kin right after I tell him na pumayag nga si Ford.

Hindi naman halata na may nagbago sa’min. Or should I say na nag-level up ang relationship namin.

From friend to special suitor.

Halos siya lang naman kasi ang nakakasama ko simula nong umiwas sa’kin si Russel. Hindi naman daw siya galit, but he used to distance himself from Dixon, since he knows that they are the exact opposite. Magbabangayan lang sila kapag nagsama sila sa iisang lugar.

***

It’s been 3 months simula nang manligaw sakin si Dixon. Nothing happens unusual maliban sa kilig na pinaparamdam niya sa’kin everyday. I feel the same comfort on him like how Ford comforts me then. Nararamdaman ko na kasama ko pa rin si Ford dahil sa kaniya.

He is the exact Ford I’ve ever seen since umalis ang bestfriend ko. Hindi sila hawig sa mukha, but their attitudes are alike. Parehas silang masungit, at parehas din silang magsalita.

“Hindi pa ba tayo maliligo?”

Nakaupo lang kasi kami sa cottage habang pinagnamasdan ang mga pinsan ko na naliligo. Since Saturday naman ngayon kaya naisipan naming lumabas at maligo.

“Gusto mo na ba?”

“Tara!”He answered instead.

Nabanggit din niya sa’kin kanina na ito ‘yung first time niyang makarating dito. He was amazed by the place especially don sa falls na aabot lang sa 15-20 talampakan ang taas.

I get the bag with me at sabay na kaming pumasok ng cr. Ops! ‘Wag madumi ang isip. This resort has specialized comfort room for boys and other comfort room for girls. In short, magkaiba kaming pinto na pinasukan. It took me 5 to 10 minutes bago ako tuluyang lumabas ng cr. Tinitingnan ko kasi kung mukha ba akong magsu-swimming sa suot ko baka nagmukha lang akong miyembro ng FANTASTIC 4 (F4) sa suot ko.

Nagulat ako nang makita kong nakatayo na pala si Dixon sa labas ng pinto. For sure kanina pa siya naghihintay don dahil sa aura ng hitsura niya. One thing he hates is making him wait.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now