Chapter 31: A Threat Over a Dinner

64 3 0
                                    

-CZARINA-

Agad kong ipinaalam kay dad ang naging usapan namin ni Gwen. Naghanda na rin kami para sa pagpunta sa bahay nina Mr. Hye ngayong gabi. Kanina kasi, nag-text sa’kin si Gwen na pag-usapan daw namin iyon over a dinner. Nong una, nagdalawang isip pa kami ni dad, dahil who knows? Baka mamaya lasunin pa niya kami ‘di ba? But since it is the least that we can do, kaya mas pinili naming magtiwala.
E

ven if trusting dishonest people is the hardest thing to do.

“Sigurado ka bang sasama ka pa anak? Baka kung ano ‘yung mangyari mamaya”

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya tumuloy sa driverseat. Hinintay ko na rin siyang makapasok bago ako sumagot.

“Dad, naniniwala ako na hindi sila gagawa ng bagay na ikapapahamak natin, lalo na’t nasa puder nila tayo. All we have to do is observe them at pati na rin sa mga weird na mangyayari mamaya. Kapag wala tayong nakita, don natin siya susundan”

“Mahahanap din natin ang mommy mo!”

Binuhay na ni dad ang kaniyang sasakyan at wala na kaming sinayang pa na oras. Baka kasi, naghihintay na rin sa’min ang pamilya ni Mr Hye.

Tulad kahapon, isang babae ang sumalubong sa’min. Hindi na rin siya nagtanong kung sino kami. Maybe she has already an idea about out visit. The old lady leads us to the dining room, kanina pa raw kasi kami hinihintay.

“Please be seated. Yaya, tawagin mo na si dad. Sabihin mo nandito na ang mga bisita niya”

Sabi ni Gwen na inabutan naming nakaupo na sa parehabang mesa. May mga nakahanda na ring pagkain at mga plato na nakalagay sa tapat ng bawat upuan. Pinagmasdan kong maigi ang bawat pagkaing nakahain. Malay mo ‘di ba, may lason.

“Nagkakamali ka. Walang lason ‘yan. If I want you dead, I should not let you leave any traces of your body here in my house. And allowing you get inside is already a flubdub”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng lalaki mula sa likuran namin. Nakakagulat siya, hindi ko naman binigkas na may lason ang pagkain nila pero nahulaan niya kaagad ang nasa isip ko. Tumuloy na siya at naupo sa tapat ni Gwen, habang magkatapat naman kami ni dad.

“So I heard from my daughter that you two have something to ask me. Haven’t you?”

“Hindi na namin patatagalin pa ang diskusiyon since I feel like your daughter has told you a prior information about our purpose of coming. Let me be straight to the point, saan mo tinatago ang asawa ko?”

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka intense kaagad ang tanong ni dad. Napatigil tuloy si Mr. Hye na noon ay kumukuha ng kanin. Nagkatinginan din kami ni Gwen pero agad rin naming ibinaling ang tuon sa dalawang nag-uusap.

“Frankly, I don’t know what to answer. It seems like buo na sa loob mo that I’m behind of this missing incident. But to be honest with you, hindi ko alam kung nasaan ang asawa mo”

Itinuloy niya ang pagkuha ng kanin at ipinasa naman ito kay Gwen pagkatapos na nasa tapat niya. Meron din kasing kanin sa tapat namin ni dad.

“Oh, ‘wag na tayong maglokohan. We both know na ikaw lang ang gagawa non sa asawa ko. You’ve been chasing her since then. Aren’t you?”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now