Chapter 40: I Love You My Bestfriend (Finale)

207 9 6
                                    

AUTHOR’S NOTE:
This chapter contains a SPG scene which may not be suitable for young readers. Please continue at your own risk. Thank you!

-CZARINA-

Mas bumilis ang pag-agos ng mga luha ko sa unti-unting pagpikit ng mga mata ko, habang pinapakiramdaman ang halik niyang sumasakop sa buo kong pagkatao.

Lord! I know it’s too much for me to ask, but I need savings. Please help me. Protect me from this opportunist creature!

*tugsh*

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto. Mukhang pinuwersa itong itinulak o sinipa ng mula sa likod. But it doesn’t matter anymore. Ang mahalaga, may tao nang tutulong sa‘kin.

Thank you Lord!

“Dixon?”

Pagkabanggit niya ng pangalan ni Dixon, bigla kong nabosesan si Ford. How did he know na nandito kami? Nakita niya ba kami kanina habang nagsasagutan sa labas ng gate nila? Sinundan niya ba kami?

Agad na napatalon si Dixon sa pagkakapatong sa’kin at humarap kay Ford.

“A-anong.. Ginagawa mo rito?”

“No! I think I should ask you that. Anong ginagawa mo kay Czarina?”

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ililigtas ako ng bestfriend ko. Naaalala na ba niya ako?

“She has to be dissolved from your life. She’s a threat"

“Look, we could have her prisoned to dissolve her from my life. Not with a brutal way. I really don’t expect you doing this!”

Halata sa galaw ni Dixon na napipikon na siya sa pinsan niya.

“Umalis ka na Ford. ‘Wag ka nalang makialam!”

Pilit na tinutulak ni Dixon si Ford palabas ng kuwarto pero pilit ding ginagawa ni Ford ang lahat para labanan ang pinsan niya.

“Czarina tumakas ka na. Ako na ang bahala kay Dixon. Go!”

As he says that, bigla akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto. Nakita ko rin na nagsuntukan na ang dalawa kaya bumalik ako.

“Dixon ano ba, ‘wag mong sasaktan si Ford! Tama na!”

Nakikita ko kasi na dehado na si Ford. Wala naman kasi siyang kalaban laban dahil mukhang nag martial art itong si Dixon sa loob ng sampung taon.

“Czarina tumakbo ka na!”

“No Ford, hindi kita kayang iwan. Hindi siya ang pinsan na inaakala mo. Kayang-kaya ka niyang saktan, or worse patayin”

Naghahanap ako ng bagay na maaring makapamukpok kay Dixon pero wala akong makita. Hanggang sa bumunot na ng baril si Dixon at itinutok ito kay Ford.

“Dixon ‘wag!”

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Gustuhin ko man na lapitan si Ford at yakapin tulad nang ginawa ko sa kaniya noong may tama siya ng baril pero dahil sa takot, mas pinili kong tumakbo. Kung mananatili ako ron, parehas kaming mamatay. Mas mabuti nang makatakas ako para makahingi pa ako ng tulong.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon