Chapter 19: Double Confrontations (The Beginning)

69 2 0
                                    

-GWEN-

Buong akala ko na kapag iniwasan ko siya, hahabulin niya ako tulad ng dati. But I was wrong, he did not do anything to catch my attention. Mukhang pabor nga sa kaniya na iniwasan ko siya.

Well, hindi ako papayag, hindi isang tulad ni Czarina ang makakaagaw sa’kin sa kaniya. I love Dixon, so I won’t let anyone gets him from me, not even that stupid Czarina.

Inabangan ko si Dixon sa may paanan ng corridor. I have been from our room, also at the canteen but I haven’t seen him there. For sure hindi pa siya dumarating. Imposible naman na sinundo niya si Czarina dahil sa pagkakaalam ko, never silang nag-uusap.

Still, hindi ako dapat makapanti kahit na hindi na sila nag-uusap. Alam kong mahal niya si Czarina, at hindi ako makapapayag na maagaw niya ulit sa’kin ang mahal ko.

Minutes later, nakita kong bumaba si Dixon sa kotse niya. He locked its door and started walking. He stepped about 20 steps before he arrives at the beginning of the corridor. I smiled at him pero nilampasan niya lang ako. I glared on the atmosphere and followed him.

“Dixon? Hindi mo man lang ba ako susuyuin?” I asked but he did not bother himself answering me.

“Okay, ako na ang magso-sorry dahil sa ginawa ko nong isang araw. I’m sorry if I keep on involving her, kahit alam ko na hindi mo naman na talaga siya gusto. Nagseselos lang ako sa kaniya kasi, siya ‘yung nagpasaya sa‘yo nong mga araw na wala ako. But now I’m back”

I followed his steps hanggang sa makalahati na namin ang corridor. Hindi pa rin niya ako magawang tingnan.

“Hello? May kausap ba ako?”

I asked nang mapansin ko na ni-isa, wala siyang binabatong sagot sa’kin.

“Dixon, kinakausap kita. Binabaan ko na nga ‘yung pride ko para kausapin ka. Which is the recriprocal of what is supposed to happen. Ako dapa—”

“Which I didn’t ask” he said habang patuloy pa rin sa paglalakad.

“But it bothers me dahil two days mo na akong hindi pinapansin”

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa’kin. I can’t read his facial expression hanggang sa unti-unting magtagpo ang kaniyang mga kilay.

“Akala ko ba malinaw na sa’tin ang lahat? Ilang beses na natin ‘tong napag-usapan ‘di ba? Hindi na tayo puwedeng magkabalikan”

“Yun na nga eh, hindi ko maintindihan kung bakit hindi na tayo puwedeng magkabalikan. I love you—”

Hindi ko na natapos ang statement ko nang bigla siyang sumagot agad.

“And I don’t. Mahirap bang intindihin ‘yun?”

“Bakit, sino na ba ang mahal mo? Si Czarina? Tang*na. Eh hindi ka nga pinapansin ng babaeng ‘yun eh. Bakit mo pag-aaksayahan ng panahon ang taong halatang hindi ka naman gusto? We’re both your exes, hindi ka na niya mahal pero ako, mahal pa rin kita. Dixon, mas sasaya ka sa’kin kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na gawin ‘yun. Will you?”

He remains to his composure. Nakakainis bakit hindi niya ako maintindihan?

“Sa‘yo na mismo nanggaling ‘yan. Bakit mo ako pag-aaksayahan ng panahon, when it’s a hundred percent obvious na wala na akong gusto sa‘yo? Wala kang alam kung anong meron kami ni Czarina. If what you think is true, is true to you, then let me contradict you. Because what you think is true to you, is not really true to us”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now