Chapter 27: Unloving My Bestfriend

68 3 0
                                    

-CZARINA-

MONDAY morning, like the usual routine, dumaan muna ako ng canteen. Nagkaroon na rin kami ng kasunduan ni Dixon na kay daddy na ulit ako sasabay sa pagpunta ng school at pag-uwi ng bahay. I also explained to dad kung ano ba talaga ang nangyayari sa’min dahil marami na siyang nagiging tanong ukol dito.

As what I have said, ayoko nang magkaroon ng lihim sa kahit na sino, even to my dad. Speaking of him by the way, parati niyang naikukuwento sa’kin na nagwo-worry siya kay mom. Pano kasi, madalas siyang late kung umuwi. Usually 6:30 ng gabi nasa bahay na siya dahil 6:00pm naman ang out niya sa trabaho. Pero lately, umuuwi siyang 8 or past 7 in the evening. Everytime na tinatanong siya ni Dad, nago-overtime lang daw sila dahil sa mga pasiyente.

Yes, understandable naman at considerable, pero iba kasi ang kutob ni dad. Nagwo-worry na rin tuloy ako for mom. Simula kasi nong ma-encounter namin ‘yung Mr. Hye na ‘yun which eventually being introduced as Gwen's biological father, naging ganon na ang kilos ni mommy. Kakaiba at parating threatened? Ewan basta.

Anyway before I forgot, nasa canteen pala ako. I texted Russel na kung gusto akong samahan, dumaan nalang dito. Nauna kasi kaming dumating dito ni Dad kaya hindi ko na siya hinintay pa sa gate. Baka kasi mamaya makita pa ako ni Dixon. Hindi naman sa iniiwasan ko siya, iniiwasan ko lang na magkaroon ulit ng gulo sa pagitan namin ni Gwen.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Dixon nang dahil sayo”

Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Kakaunti lang ang tao rito kaya rinig na rinig ko ang boses na ‘yon na mismong galing sa likuran ko.

“Ano na naman ba ang ginawa ko para mabuwiset ka sa’kin nang ganiyan?”

I said without  looking to her direction. Hindi na siya siguro nakapagpigil kaya naupo siya sa tapat ko. I could still remember how our last conversation went. It wasn’t good. She was really disappointed back then. She is asking me a favor na kung puwede ay ipaubaya ko na sa kaniya si Dixon. Yes, at first hindi ako pumayag kaya siguro hanggang ngayon gigil na gigil pa rin siya sa’kin. Kung alam lang niya na pinaubaya ko na talaga sa kaniya si Dixon.

“Ano ba talaga ang mga pinaplano mo bakit kailangang ubusin mo lahat ng lalaking mahalaga sa’kin? Are you having a collection?”

Kunot-noo ko siyang tiningnan. I don’t know where she is coming from. Kung ano ano na ang binibintang niya sa’kin.

“Please if you don’t know what you’re talking about, umalis ka nalang. Ayoko ng gulo okay?”

Sinimulan ko nang tanggalin ang balot ng sandwitch na in-order ko then I stir my cup of brown coffee.

“Kung ayaw mo ng gulo, ibigay mo sa’kin ang gusto ko. Simple lang naman ‘di ba? Ipaubaya mo na sa’kin si Dixon. Tapos!”

I glared to my coffee paharap sa kaniya. Tapos pumakawala ng isang malalim na hininga.

“Matagal ko na siyang pinaubaya sa‘yo. Ngayon, kung hindi ka pa rin niya pinapansin it’s not my business anymore. Gumawa ka nalang ng paraan, hindi ‘yung dinadamay mo ako sa problema mo”

Biglang nagkaroon ng saya sa mukha niya. Halatang hindi niya alam na nagkausap na kami ni Dixon tungkol dito. Okay na si Dixon, if my memory serves me right, sinabi niya sa’kin na kailangan niya munang kilalanin ulit si Gwen.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now