Chapter 10: Missing in Action

99 2 0
                                    

-CZARINA-

“Kailan ka pala uuwi?”

Imbes na ituon ko ang atensiyon ko sa mga panloloko ni Dixon, mas minabuti ko na lang na samantalahin ang mga panahon na nandito ang bestfriend ko. Alam ko na hindi siya rito magtatagal, so I wanna spend my time with him than to waste it. Saka nalang siguro ako iiyak kapag mag-isa na ako sa kwarto. 

“Bukas. I have to attend my classes by monday dahil may mga major exams kami”

Napatingin ako nang diretso sa kaniya. Bukas na mismo siya aalis? Ang bilis naman. Sabagay, as what he has said, may mga major exam siyang dapat matapos.

“To be honest, I don’t like the idea of going back there. I want to have my studies here with you. Specially this time, I don’t wanna leave you like that. I know that you need someone to talk to, and I’m only the one whou could give you that since you and Russel are not in a good terms. If only mom will allow me to stay, I surely will”

Halata sa boses niya ang pagkadismaya. Maging ako, I feel bad na gustong-gusto niyang dito mag-aral pero hindi siya pinapayagan ni Tita Aryan. Kung may magagawa lang sana ako.

“Bakit hindi mo kausapin si tita Aryan? Kung mapapatunayan mo na mas magandang dito ka mag-aaral, baka payagan ka niya”

He took a deep sigh, bago niya inilayo sa’kin ang tingin niya. Muli siyang tumingala sa langit. Habang ako, pinagmamasdan ko pa rin ang bestfriend ko.

For his 3 or more months of staying in Manila, mas naging matured siya tingnan. Mas naging masculine ang kaniyang pangangatawan at mas kuminis ang kaniyang mukha.

“I did that already Czarina. But mama always shut down the idea everytime I attempt to please her”

“So negative talaga na dito ka ulit mag-aral?”

He turns his head towards me and he nodded. Nakita ko rin sa mukha niya ang pagkadismaya.

“But I will keep trying. Babalitaan nalang kita kapag pumayag na si mama”

He forced a smile at ginulo pa niya ang buhok ko gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

“Let’s go home?”

“Tara!”

Sumakay na kami ng kotse. Pinagbuksan pa niya ako sa may passenger seat bago siya pumunta sa driverseat at tuluyang ipatakbo ang sasakyan.

***

-VERNADETTE-

“Mrs. Tuason may bisita ka sa labas”

Bati sa’kin ng co-office ko habang kararating lang niya. I was busy on checking the papers of my patients nang dumating siya. I looked at her with a furrowed eyebrows dahil wala naman akong ine-expect na bisita ngayon. Miguel is on his school, and Czarina is on her classes.

“Sino raw?”

“Ewan, basta matangkad, gwapo, maputi at mukhang artista. Hmm, baka puwede mo na siyang ipaubaya sa’kin total may asawa ka naman!”

May halong pang-aasar pa sa mukha ni Nelia, ang co-office ko.

“Ewan ko sa‘yo”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now