Chapter 37: Searching My Bestfriend (The Answer)

68 2 0
                                    

-CZARINA-

Naisipan ko na ring lumabas ng mall since wala na rin lang naman akong mapapala sa loob. Lakad-takbo kong kinaripas ang daan palabas ng mall at ni-hindi magawang lumingon sa mga taong nakakasalubong. Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad nang bigla akong may mabunggong lalaki. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya na nagpatigil sa’min sa paglalakad.

“Miss I’m sorry, hindi kita napansin”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na ‘yun. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para kumpirmahin ang taong nagsalita.

“F-Ford?”

“Miss...”

Oo nga pala hindi niya ako naaalala. Pero baka ito na ang pagkakataong ipakilala ko ang sarili ko.

“Di ba, ikaw ‘yung babaeng nabunggo ko rin nong isang gabi?”

“Czarina” I told him my name. Though, he won’t remember it for sure

“Ah, Czarina. Finally, nalaman ko na rin ang pangalan mo. Hays, hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa‘yo nang maayos sa pagkakabunggo ko sa‘yo nong mga nakaraang gabi, tapos may panibago nanaman akong atraso sa‘yo”

Napakabait niyang magsalita. Hindi tulad nang dati na madaling mapikon, at madaling magreklamo sa mga bagay-bagay.

“By the way, bakit mo pala ako kilala? Magkakilala ba tayo dati?”

Dahil sa mga tanong niya, hidi ko tuloy alam kong ito na ba ang tamang oras para magpakilala sa kaniya. Instead of answering him, I get my card ang handed it to him.

“Kung gusto mong malaman kung ano tayo noon, you can visit me here”

I forced a smile tapos nagsimula nang maglakad.

“Pupuntahan kita mamaya, same village lang pala tayo”

Tumingin ako pabalik sa kaniya dahil sa gulat. Same village? Eh bakit kanina sa malayong bahay siya lumabas? Kaninong bahay ‘yun? At kung same village kami, bakit hindi ko alam?

Ngumiti siya at nagsimula na ring maglakad, hanggang sa makasalubong na niya si Mikee. Tumalikod na rin ako para hindi na ako makita pa ni Mikee.

Hindi ko alam kung mae-excite ba ako sa sinabi niyang pupuntahan niya ako sa bahay o mas dapat ba akong kabahan. Sampung taon din nang huli kaming magkita at magkasama sa iisang bahay. Parang nakakapanibago. Agad na akong lumabas ng mall at nag-drive ng kotse ko pauwi.

***

Nasakalagitnaan ako nang panood ng tv sa sala bandang alas kuwatro ng hapon nang biglang may sunod-sunod na nag-doorbell sa labas ng gate. I told yaya to look for it. Baka kasi mamaya si Dixon nanaman ‘yun. Hindi pa ako handang makita siya ulit.

“Ma’am ibang lalaki po siya, hindi po siya si Mr. Monteo”

Ibang lalaki? Kinabahan tuloy ako, pano kung si Mr. Hye ‘yun? Pano kung nakalabas na pala siya ng kulungan?

“Sige na, ako na ang bahala”

Lumabas na ako ng bahay para tingnan kung sino ang nag-doorbell. And to my surprise, it’s Ford. My long lost bestftiend.
Agad ko siyang pinagbuksan ng gate.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now