Chapter 23: Paubaya

73 2 0
                                    

-CZARINA-

“Ano bang sinasabi mo? Kanino ako magseselos?”

I look unto his eyes pero inilayo niya sa’kin ang kaniyang tingin.

“Kasi... Wala tara na, malapit na ring mag-time”

He checks his wristwatch para tingnan kung ano na ang oras. Malapit na rin namang mag-ala una ng hapon kaya dumiretso na kami ng room. I can’t help not to think kung anong meron sa dalawang ‘yun. It’s just the first day after the incident last night pero mukhang nakahanap na agad siya ng bagong kasa-kasama. I hope that that girl is not bad as I think of her. Subukan lang niya, kakalbuhin ko siya at kakaladkarin palayo kay Ford.

“Are you okay?”

Agad akong napalingon sa kaliwa ko. Dixon whispers on my left ear kaya nagulat ako.

“Of course, bakit mo naman natanong?”

Sinabayan ko pa nang pagtango to look it more convincing.

“Kanina kapa kasi ganiyan, sumula nang pumasok tayo ng canteen. I know he was there. They were there rather, kaya—”

“Kaya sa tingin mo sila ang rason kung bakit ako ganito? Oh, of course not. May tampo lang sa’kin ‘yun si Ford, pero mawawala rin ‘yon anytime soon. Pero hindi naman siya dapat naghanap ng ibang makakasama ‘di ba? If he doesn’t want me to be with him for the meantime, nandiyan naman si Russel. He no longer needs to rent that Mikee. So they don’t need to eat foods on the same table. And besides, hindi pa naman niya ‘yun lubusang kilala. Nakakairita”

Napa-rolled eyes nalang ako sa pagkainis. Sa tuwing naiisip ko na may ibang kasama ang bestfriend ko, hindi ko maiwasan na hindi mairita.

“So do you think you’re not jealous sa lagay na ‘yan?”

Isa pa ‘to! Ang kulit, sinasabing hindi eh. Kailangan ulit-ulitin?

“Ewan ko sa‘yo!”

I get my phone instead at nag-log-in nalang sa facebook. Mas mabuti pa ‘to kaysa mapag-usapan ang bestfriend kong traydor. Hays.

So dahil sa nangyari kanina sa canteen, nawalan nanaman ako sa focus. Ewan ko ba, kapag may biglaan akong naiisip o may biglaang pangyayari, hindi ko maiwasan na isip-isipin ‘yun hanggang sa mawala ako sa focus. Ito talaga siguro ang ikakabagsak ko sa mga subject. Hindi na rin ako magtataka kung puro pasang-awa ang makukuha kong marka.

Pagkatapos ng tatlong session namin ngayong hapon, tumuloy na kami ni Dixon sa labas gate. Don kasi naka-park ang kaniyang kotse. Siya ‘yung maghahatid sa’kin ngayon dahil nga busy pa Ford sa pagre-review kaya hindi niya ako mahahatid. Pero after the contest baka don na siya mag-insist na ihatid ulit ako. Sana lang!  For the meantime si Dixon nalang ang maghahatid sa’kin habang hindi pa siya pu—(bigla akong napatigil sa paglalakad nang mamukhaan ko ang dalawang taong papasok ng kotse. Binuksan pa niya ang passengger seat at hinintay na makapasok ang babae bago siya tumuloy sa driver seat)

“Hey, get inside!”

Hindi ko siya napansin dahil sinundan pa ng tingin ko ang papaalis na itim na kotse ng bestfriend ko. Crap! For all I know busy siya sa pagre-review kaya hindi niya ako mahatid-sundo, tapos ngayon makikita ko siya na ihahatid ang babaeng ‘yun? Nagbibiro ba siya?

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now