Chapter 24: The Please

66 2 0
                                    

-CZARINA-

Tama si Dixon, kailangan kong piliin kung sino talaga ang totoong mahal ko. Mahal ko si Dixon, at hindi ko maaaring itanggi iyon. Pero sa pagkakataong ito, siguro mas matimbang na ang pagmamahal ko para kay Ford, sa bestfriend ko.

It’s been a week simula ang pag-amin ni Ford na mahal niya ako. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang ipa-realize sa’kin ni Dixon na si Ford na nga talaga ang totoong mahal ko. Isang linggo na rin akong nagselos dahil sa pagiging mas malapit nina Ford at Mikee. One thing I have realized this week is that, I should not let the time passes without doing something. Hindi ko na rin puwedeng hayaan na tuluyan akong maagawan ng posisyon ng babaeng umaaligid sa bestfriend ko.

“Excited na ako para sa result ng contest ni Ford. Sana manalo siya”

Pareho kaming kabado ni Russel sa mga puntong ito. Yes, hindi ako pinapansin ni Ford but I keep on showing him that I support him, that I‘m always here for him.

“Even if he doesn’t win, I will still be proud on him. The fact that he was chosen to represent our batch, it already means that he wins the battle. Even if he doesn’t bring home the bacon, he will remain my winner”

I flashed a smile to nowhere. Wala, masaya lang ako para sa mga nagiging achievement ng bestfriend ko.

“Wow ha, lume-level up na ba ang relationship n‘yong dalawa?”

“Hindi niya nga ako pinapansin ‘di ba? Pano naman magli-level up ‘yun?”

I shutted down his idea. Though ngumingiti-ngiti sa’kin si Ford pero hindi pa rin kami bumabalik sa dati.

“Sabagay tsaka balita ko may nanliligaw daw kay Ford”

Agad akong napalingon sa kaniya na para bang may hindi ako nagustuhan sa sinabi niya. If my memory serves me right, may nanliligaw daw kay Ford? Woah!

“Ano ulit ‘yun, may nanliligaw kay Ford? Are you referring to Mikee?”

“Yung girl na palaging kasama ni Ford? yes. Nililigawan daw niya ang bestfriend natin according to my source. Ang weird ‘di ba? Babae na ang nanliligaw sa lalaki. But I couldn’t blame her, ganon na talaga sa era natin. Kapag hindi ka cr-in-ush back ng crush mo, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para siya‘y mapasa‘yo. Lalaki ka man o babae!”

Bigla akong pinanindigan ng balahibo sa sinabi niya. Una, dahil sa ideyang babae ang nanligaw sa lalaki. Pangalawa, dahil sa pagiging despirada nito, at pangatlo ay dahil nangangamba ako na anytime, puwedeng mawala sa’kin si Ford nang tuluyan kung hindi ako gagawa ng paraan.

Thanks for the idea. If that Mikee is really courting Ford, why should not I?

Ilang saglit pa, pumunta na ng stage ang master of ceremony ng event na ito. She is the Supreme Student Government President at may talento siya sa pagho-host kaya ipinagkatiwala na sa kaniya ang event na ito.

“Once again, good morning everyone. I know that we are all excited to know who among our scientists will win this competetion. So, sino ang mga pambato ninyo?”

The MC’s voice echoed in this area. Dito kasi sa may pavement slash covered court ginaganap ang awarding ceremony. Halos lahat ng tao ron nagsisigawan sa kung sino ang pambato nila. May mga nagsasabing Youngest is the best na for sure ay nanggagaling sa mga grade 7 students. Grade 8 lang ang malakas at marami pang nakakabinging sigawan ang nalikha dahil sa simpleng tanong ng MC.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now