Chapter 14: Ford's Happiness

85 3 0
                                    

-CZARINA-

Hindi ko alam kung ano nanaman ‘tong trip ng bestfriend ko. Ang aga-aga niya akong ginising. Palibhasa nakalimutan kong i-lock ang pinto ng kuwarto ko kaya siya nakapasok.

Well, tiwala naman ako sa kaniya na hindi siya maniac kaya okay lang din naman na nakikita niya akong tulog. Tsaka isa pa, hindi ito ang unang pagkakataon na pumasok siya ng kuwarto ko habang natutulog pa ako.

Remember nang pumunta siya ng Manila, nabanggit niya sa letter niya na nakita niya akong natutulog at narinig niyang humihilik daw ako. Which is, gusto ko palang pasinungalingan dahil never kong narinig ang sarili ko na humilik.

“Ano bang trip mo?”

Kinukusot-kusot ko pa ang mata ko. Habang siya nakaupo sa may stool chair malapit sa kama ko.

“Bilis na, maghilamos kana or maligo.. May lakad tayo”

Pangiti-ngiti pa siya na akala mo ba naman ay nakakatuwa. Sino ba naman ang matutuwa kung gigisingin ka nang maaga ‘di ba? Tuwing Sabado at Linggo nalang nga ako nakakabawi ng tulog eh! Hays.

“San ba kasi tayo pupunta?”

“You’ll find out later. Bilisan mo na d‘yan”

‘Yan nanaman siya sa find out later na ‘yan. Kahapon nang sinabi niya ‘yan, bigla siyang nagdrama. And speaking of, baka naman ipapakilala na niya sa’kin ang babaeng sinasabi niya na gusto niyang ligawan.

“Just make sure na worth it ‘yang pupuntahan natin. Inaantok pa ako promise! Pag ‘yan puro nanamang kalokohan, makikita mo!”

May sinagot siya kaya lang hindi ko naintindihan. Kumuha muna ako ng damit sa closet ko bago ako pumunta ng cr. Bina-badtrip niya ako eh.

Bakit kasi hindi niya sa’kin sainabi kagabi na may lakad pala kami ngayon para hindi ako mukhang tanga dito na naghahabol ng oras.

“Don mo nalang ako sa sala hintayin. Gusto mo atang makita akong hubad eh!”

“Puwede rin” sabi niya bago siya tumayo at naglakad palabas ng kuwarto ko. Hays. Nakaka-badtrip talaga siya promise.

Bilang paghihiganti, tinagalan ko talaga ang pagligo. Usually, 30 minutes lang ang nako-consume ko sa pagligo pero ngayon, inabot ako ng 45 minutes mahigit. Ewan ko nalang kong sipagin pa siyang gumala.

“Oh, youre still alive. I thought you were drowned in your bathtub”

He glared at me at nauna na siyang lumabas. Hays, pikon talaga ‘tong bestfriend ko.

Sumunod na rin ako sa kaniya at kusa nang pumasok sa may passenger seat. As usual hindi niya nga kasi ako pinagbubuksan ng pinto, ganiyan siya ka gentleman.

Hinayaan ko lang siya na mag-drive hanggang sa mapansin ko kung saan kami pumupunta. Well, isa lang naman ang resort dito sa barangay kung saan nakatira sina lola—mom’s mommy— and it has been awhile since my last visist here.

“Anong naisipan mo’t dito mo ako dinala?”

Hindi siya lumingon sa’kin. Patuloy lang siya sa pagda-drive.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now