Chapter 32: The Bait

65 3 0
                                    

-CZARINA-

Isang ingay sa labas ang biglang nagpagising sa diwa ko. Kusot mata akong bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos. Kailangan ko pang sumama kay dad sa paghahanap kay mommy. Mabuti’t Sabado ngayon, wala kaming pasok.

Nang makapaghilamos na ako, agad na akong bumaba ng hagdan. Nakakalahati ko palang ang hagdan nang mapansin ko ang nakaupong lalaki sa may couch. I mean bakla pala.

“Russel?”

I winked my eyes para klaruhin kung tama nga na si Russel ang nakita ko. Wala naman kasi akong naiisip na dahilan para dumalaw siya ngayon dito sa’min. Kaya pala ang ingay-ingay dahil nagkukulitan sila ni yaya.

“Finally you’re awake!”

Napatayo siya mula sa pagkakaupo at sinalubong ako ng yakap. Ang weird lang.

“Napadalaw ka? Anong meron?”

I said right after we depart from the tight hug. Naupo na rin kami sa couch at inutusan ko si yaya na kunan kami ng maiinom.

“Gusto sana kitang yayain na mag-swimming don sa falls sa brgy ng lola mo. ‘Di ba maganda ron?”

Napakunot noo akong tumingin sa kaniya. Nakalimutan na ba niya na hindi ako puwedeng gumala sa mga panahon na ‘to?

“Russel, alam mo na hindi kita mapagbibigyan sa ngayon. Kailangan kong sumama kay dad sa paghahanap kay mommy. Wala kaming dapat na sayanging oras dahil baka maunahan kami ni Mr. Hye sa paghahanap. That shouldn’t happen. Otherwise, we won’t see mom anymore”

“Alam ko kung san ka nangagaling. Ang akin lang, ‘wag mo sanang ituon lahat ng atensiyon mo sa problemang kinakaharap mo ngayon. Have some joy, dahil pano kung mapano ka? Panong kung may mangyaring masama sa‘yo? Edi wala nang babalikan ang mommy mo? Please sumama kana, kahit ngayon lang. Pagkatapos nito, sasamahan kita bukas buong araw sa paghahanap sa mommy. Promise ko ‘yan”

To be honest may punto rin naman siya. Simula nong mawala si mommy last-last day, siya nalang palagi ang laman ng isip ko. Kung kumusta na kaya siya, kung nasan ba siya. Baka nga naman kung ganon palagi ang mangyayari sa’kin, baka nga naman may mangyaring masama sa’kin.

“Basta promise mo, tutulungan mo ako bukas sa paghahanap kay mommy okay?”

“I promise!”

He answered and he hugged me. Pagkatapos non, umakyat na muna ako ng kuwarto para magpalit. Inilagay ko na rin sa bag ang swimming attire ko para don nalang ako magpapalit.

Bago kami umalis, nagpaalam na rin ako kay dad na pupunta kami sa barangy ni lola. Sinabi ko rin na ipapaalam ko na rin kina Lola Vedic ang nangyari kay mommy baka sakaling makatulong. Pumayag naman siya kaya tumuloy na kami ni Russel.

Wait teka nga lang. Totoo ba ‘tong nakikita ko? Bigla akong kinabahan dahil sa puting kotseng nakaparada sa tapat ng gate namin. Isang puting kotse lang naman ang nakakapagpakaba sa’kin nang ganito. But nevermind. Maybe it’s just a coincidence.

“K-kaninong kotse ‘to?”

“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong akin?”

Agad namang tanong ni Russel habang binubuksan ang pinto ng passenger seat. Pumasok na ako sa loob at hinintay ko na muna siyang maka pasok sa driver seat bago ako sumagot.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now