Chapter 39: The Abduction

87 2 0
                                    

-FORD-

“Oh? Nagmamadali ka ata Ford, san ang lakad mo?”

My cousin Dixon asked as he saw me get the key of my car. Tumawag kasi sa’kin si Czarina. She wants to meet me ASAP dahil may importanteng bagay daw siyang sasabihin sa’kin. If I’m not mistaken, tungkol ito sa taong bumaril sa’kin.

“I’m just going to meet my new friend. She just has something to tell me. Important thing perhaps?”

“Napaka-special naman niyang new friend mo. Tungkol sa’n ba ‘yang pag-uusapan ni‘yo?”

Well, Dixon is one of my most trusted persons. He’s my cousin but we seem to be brothers. Open ako sa kaniya at open din siya sa mga problema niya sa’kin.

“Okay, sa’yo ko lang ‘to sasabihin. Last day, may nakabunggo akong babae. She introduced herself as Czarina, and then we got to talked to each other hanggang sa niyaya niya ako sa bahay nila. May mga bagay siya na naikuwento sa’kin sa totoong nangyari sa’kin kung bakit nawala ang memorya ko, which is salungat sa kinukuwento ni mommy. Naguhuluhan ako, ngayon sasamahan daw niya ako sa taong nakabaril sa’kin para patunayan na totoo ang sinasabi niya”

“Gaano mo kakilala ang babaeng ‘yan? I mean, hello? you just bumped her in the mall, and all of a sudden she introduces herself as your old friend? Baka naman isa lang ‘yan sa mga scheme niya para guluhin ang utak mo. Kung ako ang tatanungin mo? Mas maniniwala ako sa sinaaabi ni tita. Nandon ako mismo nong mabunggo ka Ford. Tayo ang magkasama ng panahon na ‘yon. Pauwi tayo that time galing gumawa ng thesis with our groupmates. Bumaba ka ng sasakyan para umihi when a car hits you. Napalakas ang pagkakabunggo sa‘yo kaya tumalabog ka sa mabatong kalsada. ‘Yun ang totoong nangyari sa‘yo. Hindi kita pipigilan na pakinggan ang Czarina na ‘yan kung gusto mo, but I advise you to know her better bago mo siya pagkatiwalaan. Russel, Mikee and me are your close friends before. At hindi ko natatandaan na may pinakilala kang Czarina saamin as your friend. You don’t know that girl, Ford. Baka mamaya isa lang ‘yan sa mga may galit sa pamilya mo noon at gumagawa ng paraan para kontrahin mo ang mama mo. Kung hindi ka pa rin naniniwala, check your email. I’ll send you the picture kung saan ka naaksidente”

Bigla akong napa-isip sa sinabi niya. He has a point. Bakit ko nga ba pagkakatiwalaan ang isang babaeng kakapakilala palang saakin? Gaya nang sinabi niya, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Gmail ko. I got a message from him containing the image nong naaksidente ako.

Nagdadalawang-isip tuloy ako kung pupuntahan ko pa ba siya. She might be dangerous. And she might be a story maker. I should not trust her, I should trust my family instead.

-CZARINA-

I’ve been waiting him here in the cafeteria for about an hour, but he still not arriving. Sinubukan ko na rin siyang tawagan but it keeps on ringing. Na sa’n na kaya siya? O baka naunahan na ako ni Dixon? Baka kaya siya natagalan ay dahil kausap niya si Dixon sa mga oras na ‘to?

Hinintay ko pa siya ng ilan pang oras pero hindi na talaga dumating kaya naisipan ko na ring umuwi. Pupuntahan ko nalang siya mamaya sa kanilang bahay.

Kung totoo mang naunahan na ako ni Dixon, baka nga kailangang ako na pumunta sa kanila para at least makaharap ko na rin si tita Aryan.

***

Alas sinco na ng gabi pero hindi pa rin siya lumalabas ng kanilang bahay. Nagdadalawang isip kasi ako kung papasok ba ako sa loob o hindi. Baka kasi hindi na ang dating tita Aryan ang makaharap ko.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now