Chapter 7: Birthday Party (The Alibi)

103 2 0
                                    

-CZARINA-

Tulad nang sabi ni mommy kagabi habang kumakain kami, kailangan kong maging alerto sa bawat dinadaanan ko. Mr. Hye might appear over my eyesight kaya dapat akong mag doble ingat. Gusto nga ni dad na siya na ‘yung maghatid sa’kin sa school kaya lang, palaging maagang dumadating sa bahay si Dixon kaya kami ang sabay na pumasok ngayon.

“Is that Mr. Hye?”

Agad akong napalingon sa direksiyon na tinuturo ni Dixon. Nakita ko na pasakay na si Mr. Hye sa kaniyang puting sasakyan at palabas na ng gate ng school namin.

What is he doing there? Nalaman ba niya na doon ako nag-aaral? O baka naman alam niya na doon nagtatrabaho si daddy?

I dragged Dixon away, at nagpanggap na nakaupo sa isang bench malapit sa school hanggang sa makadaan na ang sasakyan ni Mr. Hye.

“Is there something wrong?”

“Tinanong ko si mommy kagabi kung kilala ba niya ang lalaking ‘yun. She didn’t tell me the whole detail but she told me to stay away from that guy”

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Dixon nang masigurado ko na wala na sa paningin ko ang kaniyang sasakyan.

“You mean, kilala nga ni Tita Vernadette ang lalaking ‘yun?”

Nagkibit balikat lang ako. As far as I could remember, sinabi ni mom na hindi sila magkaibigan. Hindi niya rin sinabi kung magkakilala ba sila.

Tumuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa room. May bulong-bulungan sila na may bago raw kaming magiging kaklse. Hindi ko alam kung totoo o baka naman haka-haka lang nila.

Ilang minuto pa ang nakalipas, pumasok na ang adviser namin and at the same time yung first period namin this morning.

Akala ko nga kung sinong estudyante lang na pumasok dahil sa liit nito. Inisip ko rin na baka siya ‘yung sinasabi nila na bago naming kaklse. Kung hindi ko pa tiningnang maigi, diko pa mare-realize na si Sir Baltazar na pala ang pumasok.

“Good morning class!”

Bati ni sir nang makarating na siya sa table niya.

“Good morning sir”

“So before we start, I would like you to meet your new classmate, from Manila”

So totoo nga ang tsismis na may bago kaming classmate. Hindi naman masama na nag-transfer siya rito. Pero isang taon na lang naman, bakit hindi pa niya tinapos kung saan man siya nag-aaral?

“Come in. Introduce yourself to them”

Pinaypay niya ang tao na nasa pintuan na pala para papasukin na sa loob.

Pumasok ang isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok, may suot na glasses at may nonal sa kaliwang bahagi ng ilong. Tinitigan ko siyang maigi hanggang sa mapansin ko na para akong nananalamin habang tinitingnan ko siya.

Nagsimula naring magsitingan ang iba ko ring mga kamag-aral na mukhang nahalata rin ang napansin ko.

“H-hi? Good morning everyone. I am Gwen Hye, 16 years old, all the way from Tondo Manila. But now, don kami nagi-stay ni dad sa St. Panganiban”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now