Chapter 34: Get Together

67 1 0
                                    

-CZARINA-

Maging kami napasunod na rin sa nagsisitakbuhan. I want to know what’s with the rush, and there is only one person who could give me the answer.

“Tita anong nangyayari? San nila dadalhil si Ford?”

Lakad-takbo kaming sumusunod sa mga nurse na siyang tumutulak kay Ford.

“Kailangang ilipat ng hospital ang anak ko. Kulang sila ng gamit kaya hindi nila masagawa kaagad ang operasyon”

“What? San ho siya ililipat tita?”

Tanong ko habang patuloy kami sa pagsusunod.

“Kailangan ko siyang madala kaagad sa Maynila sa lalong madaling panahon. Kapag nagtagal pa siya, baka hindi na niya kayanin”

“Tita, delikado po ‘yun. Masyadong malayo ang Maynila. Baka kapag dumating kayo don, baka...”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

“Baka ano? Baka mamatay siya? Czarina alam ko ang ginagawa ko. Alam ko kung ano ang makakasama at makakabuti sa kaniya. Ako ang nanay niya kaya ako ang masusunod. Ikaw, alam mo ba ang makakabuti sa kaniya? Hindi kaya umalis kana lang!”

Hindi ako nagpatinag sa sinabi ni tita patuloy lang ako sa pagsunod. Alam ko kasi na masasabi niya lang ‘yun dahil sa sobrang pag-aalala niya sa anak niya. Alam ko na hindi niya rin gusto na pagsalitaan ako nang ganito.

“Tita hindi ako aalis, kailangan ako ni Ford. Kailangan niya ako sa tabi niya”

“Well, I will decide for him. Umalis kana bago pa mandilim ang paningin ko sa‘yo”

That would be my first time to hear tita says that. Wala akong nagawa kundi ang tumigil sa pagsunod habang patuloy lang sa pagsunod sina Gwen, Mikee at Russel. Napa-upo nalang ako at napahawak sa sa ulo ko habang naiiyak sa mga nangyayari. Bakit kailangang ganito? Kung kailan unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang lahat ng saamin ni Ford, don pa siya malalayo sa’kin. Ang unfair ng mundo ang unfair-unfair.

Mahal na mahal din kita Ford. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Aasahan kong babalikan mo ako. By that, magsisimula ulit tayo. Kalimutan natin lahat ng mga masasamang nangyari.

***

10 years later...

Maraming nagbago dahil sa mga pangyayari na ‘yon. Napatuyan namin na totoo nga pala ang inamin ni mommy tungkol sa totoong pagkatao ko. Si Mr. Hye, na bumaril kay Ford ang biological father ko talaga. Hindi nag-match ang DNA namin ni dad at nangangahulugan ‘yun na hindi siya ang totoo kong daddy. Hindi ko matanggap na hindi kami pala magkadugo. Hindi ko rin masisisi si daddy dahil maging siya ay wala ring kaalam-alam.

Nong mga unang linggo, hindi naging madali ang lahat para saamin. Oo, sa iisang bahay pa rin kami tumutuloy matapos mabaril ng pulis si Mr. Hye, at mabilanggo pero nagkaroon ng lamat sa pagitan nina mom and dad.

Hindi na sila tulad ng dati na sweet sa isat-isa at open sa bawat problema. Simula nang mangyari ang Mr. Hye hostage taking  incident, malaking pagbabago ang naganap sa loob ng bahay namin.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now