Chapter 1

127 3 2
                                    

KINALABIT AKO ng katabi ko dahilan para lingunin ko siya. Bumungad sa akin ang malapad niyang pagngiti, ang mata niyang malalim, nangingitim ang ilalim ng kaniyang mata at naniningkit na. Ambang ibabalik ko ang tingin sa ginagawang pag-aayos ng charts dahil mamaya iikot na ako para i-tsek ang mga pasyente.

“Javee, para sa iyo, what is love?” tanong niya sa aking kinunutan ko ng noo.

Maraming depinasyon ang pag-ibig at puwedeng maihalintulad sa kahit anong bagay. Para sa akin, ano nga ba ang pag-ibig? Nagawi ang tingin ko sa tumawa. 

“Walang sense tanong mo, Dewei,” kantiyaw ni Sophia na nasa tabi lang niya habang nakikinig sa endorsements.

Nawala ang ngiti niya at ang mata niyang nakatingin sa mga mata kong naghihintay ng sagot. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Sophia at sa pagbalik ko ng tingin din ay napansing kaalis lang ng kausap niya. 

“Seryoso ako sa tanong ko, Sop. Narinig ko kasi iyan sa fm radio station kanina kaya binitbit ko iyang tanong na iyan para itanong sa inyo.”

Umismid siyang nag-angat ng kaliwang balikat. “Love is. . .” pamimitin niyang idinikit ang hintuturo sa dulo ng kaniyang baba. “full of misery,” dagdag niya sabay tawa nang mapait.

Nagkatinginan kami sandali ni Dewei saka sabay na nagkibit-balikat. “Share mo naman iyong pinanggagalingan ng lungkot mo,” wika ni Dewei, kinakalabit ang braso ni Sophia nang tumalikod siya sa amin.

Hinawi niya ang kamay ni Dewei sabay hampas nang malakas. Iminuwestra niya ang kamay, pinapaalis si Dewei. “Umalis ka na, huwag mo nang bulabugin si Veena. Tapos na ang shift mo.”

“Hindi pa ako tapos sa ginagawa kong orders,” sagot niya sa nakatalikod ng si Sophia, naglalakad palayo sa amin.

Nag-thumbs lang siya sa amin at kumaway. Naabutan pa ng mata kong bumaba siya sa hagdan habang dala-dala ang mga papel na mukhang ilalakad niya sa billing. Pumitik sa hangin si Dewei kaya nailipat ang tingin ko sa kaniya.

Nagtaas-baba ang kilay niya, hinihintay ang kasagutan kong parang napaka-importanteng marinig niya. Para bang nasa recitation kami, hindi ako pauupuin kapag hindi ako sumagot.

Tiningnan niya ako at tiyak kong may isasagot din siya, pinauuna lang niya ako. “Love is like a horror for me,” sagot ko. Mapait akong ngumiti. “Nakakatakot pero exciting.”

Bumilog ang labi niya at sinamahan pa ng pagpalakpak nang mahina. Tuwang-tuwa sa narinig. Hindi na yata mawawala sa akin ang takot na magmahal. Kung sa bagay, lahat naman ng tao ay natatakot ng magmahal. Masakit maiwan. Nakakadurog masaktan. Nakakaiyak ang umasa sa wala. Nakakaubos nang pagkatao ang magmahal, lalo na kapag siya lang ang pinagbigyan mo nang buong atensyon. Isa pa, mahirap makalimot.

Kahit paano, masaya pa rin naman. Sa kabila ng paghihinala at pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaintindihan ay nabubusog pa rin ako sa panunuyo at lambing, na labis kong ikinatutuwa. Nakagagaan sa pakiramdam. Lalo na kapag pagod na pagod ako sa trabaho ko, may palagi akong masasandalan.

Tumango-tango siya, tila nakuha ang punto ng sinasabi ko.

“Ikaw ba?” balik kong tanong.

Sa pagkakataong ito, nawala ang saya sa mukha niya—ang maaliwalas niyang ekspresyon. “Parang sugal,” matipid niyang sagot sabay buga ng hangin.

Isinilid niya ang kanang kamay sa bulsa ng puting pantalon niya. Pinili kong ibalik ang tingin sa clipboard na nakalapag sa mesa. “Kailangan mong sumugal nang paulit-ulit hanggang sa manalo ka,” dagdag niya saka sumimangot.

I wrinkled my nose and supressed a laugh. “Sugarol ka talaga.” Umiiling-iling akong kinuha ang clipboard. Naghanap ng ballpoint pen sa ballpen stand saka ko isinukbit sa leeg ko ang stethoscope at binitbit ang maliit kong pouch.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now