Chapter 39

20 0 0
                                    

TUMATALON-TALON si Rahel nang makita niyang kasama ko si papa. Nagningning ang mga mata nito sa tuwa.

“Lolo!” Yumakap kaagad ito nang napakahigpit dahilan para humagikgik ako sa saya.

“Sabi ni mommy may business trip ka raw. Saang lugar, lolo?” tanong niya. Hindi pa rin bumibitiw sa yakap dahil sumabit ito sa baywang ni papa nang maglakad kami patungo sa sala.

“Heaven.”

Bumitiw siya sa yakap at kunot na kunot ang noo niya sa pagtataka. Tinapunan ko ng tingin si papa.

“Puwedeng pumunta do'n?”

Mahinang tumawa si papa pagkalapit niya sa couch. Alerto ko namang inalis ang bag saka isinandal ang natumbang unan bago pa mauupuan ni papa. Matipid siyang umukit ng ngiti sabay hawak sa buhok ni Rahel at ginugulo-gulo.

“Nagpunta ako sa Hawaii. Nakalimutan kong mag-uwi ng pasalubong,” sabi ni papa sa paraang hindi halatadong kasinungalingan pala iyon.

Sumulyap ako sa suot kong relo. Ten o'clock na, nandoon pa kaya siya? Nawala sa isip kong makikipagkita pala ako sa kaniya dahil naging abala ako sa pag-asikaso ng paglabas ni papa sa ospital. Hindi siya online sa facebook account niya kasi icha-chat ko sana siyang hindi na ako makakapunta. Wala rin akong pan-text.

Kanina pa siya walang text sa akin kaya hindi ko alam kung nakaalis na siya o naghihintay pa rin. Tumingin ako kay papa na eksaktong tiningnan din niya ako. Mukhang may alam si papa sa gusto kong sabihin kaya ngumiti siya at tumango.

“Pa, iwan ko muna kayo ni Rahel. Makikipagkita lang ako sa kaniya,” tukoy ko kahit hindi ko sabihin kung sino ay paniguradong alam niya.

“Mag-usap kayo nang mabuti. Hear him out, Janelle.”

Pinalo-palo ni Rahel ang malaking sofa at hinila ang kamay ni papa. Tumatawa naman si papa sa ginagawa ng anak ko. Kinuha pa ni Rahel ang remote, binuksan ang TV habang patuloy siya sa ginagawang paghila para patayuin si papa.

“Baby, huwag masyadong malikot, okay? Kagagaling ng lolo mo sa hos—Hawaii,” nakangiting bilin ko. Muntik na akong madulas.

Ngumiti siyang humarap sa akin at kumaway-kaway. “Yes, mommy. Take care!”

Yumuko ako at humalik nang mabilis sa noo niya. Aalis na sana ako nang mahawakan ni Rahel ang kamay ko at sinenyasang yumuko rin. Pagkayuko ko ay dumampi ang labi niya na may kasama pang laway sa pisngi ko. Bumungisngis akong umayos sa pagkakatayo at kumaway-kaway ako gamit ang dalawang kamay.

Inilibot ko ang paningin sa labas ng cafe na sinasabi niyang pagkikitaan namin. Puro mga nakaparadang kotse lang naman ang nandito at wala rito ang kotse niya. Umalis na kaya siya? Kinapa ko pero wala akong maramdamang smartphone sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Naiwan ko ba?

Yumuko ako para hanapin pero wala akong dala maliban sa dalawang daan at fifty pesos saka kinse pesos tig-limang piso. Kinamot ko ang patilya ko. Humakbang ako palapit. Nasaan kaya siya? Humawak ako sa door handle at itinulak. Hindi ako tumuloy sa pagpasok nang mahagip ng pandinig ko ang pagtikhim ng kung sino sa likuran ko.

“You came. . .” mahinang sambit niya. Binitiwan ko ang door handle saka pumihit ako paharap sa kaniya.

“Akala ko hindi ka na darating.”

Ibinaling ko ang tingin sa kotseng kapa-park lang sa tapat namin. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nagmukha tuloy akong may sama ng loob, kahit nakaligtaan ko lang naman.

“Ano iyong gusto mong pag-usapan natin?” kaswal kong tanong. Umalis ako sa tapat ng pinto, sumunod naman siya sa direksyon ko.

Nasa lilim kami pero iyong tama ng init na nanggagaling sa lupa ay mainit. Ramdam ko ang pawis kong nabuo. Tinakpan ko rin ang gilid ng mukha ko dahil nasisilaw ako sa nagre-reflect na sinag ng araw galing sa bintana ng sasakyan.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now