Chapter 25

31 0 0
                                    

MAHINA AKONG natawa habang nagpapatuloy sa paglakad nang matanaw ko sila sa loob ng fast food restaurant. Nakatagilid silang dalawa na nasa tabi ng glass wall at mukhang nagtatalo dahil nakailang palo na si Genesis sa mesa, maging ang pagpadyak na rin niya ng paa.

Huli na si kuya guard para pagbuksan ako ng nang itinulak ko ang glass door. Sumalubong sa akin ang nilulutong spaghetti at burger. Kakaunti pa lang pala ang tao kapag ganitong oras. Mas maraming tao kapag tanghali at gabi rito sa Jollibee.

Hindi pa ako nakalalapit sa kanila pero nakapasok agad sa pandinig ko ang boses ni Genesis. "Accounting policy is retrospective application. Bumabalik tayo sa nakaraan pero may mga bagay na hindi natin kayang i-adjust kasi nagsara na. Alam mo na iyan Jazzy, accountant tayo kaya alam mo ang tinutukoy ko."

Buntonghininga siyang humalukipkip at umirap. Sumulyap naman sa akin si Jazz pagkatapos kong maupo sa tabi niya. Ngumiti siya sa akin bago ibalik ang paningin kay Genesis.

"Ibig sabihin prospective application ang i-apply ko?" nalilitong tanong niya, pero parang nagkukunwari lang siya dahil may kasama pang pagngisi.

Umikot ang mga mata ni Genesis. "Malamang. Alalahanin mo ang current at future mo dahil iyon lang ang affected."

Mukhang nabanggit na naman niya ang pangalang Drishtelle sa kaniya kaya ganito kung makapagbigay ng reaksyon. Hindi ko naman masisisi si Genesis dahil nakakasawa minsan.

Almost every day, he talks about Drishtelle. I couldn't suggest that he should stop mentioning his ex-girlfriend's name. It would be sound rude and he might think that I don't like to hear his stories anymore. Maybe that is his way to overcome it little by little. I still understand him by that, but I wish he must know when he should mention or limit himself from mentioning Drishtelle's name.

Nagitla ako sa kinauupuan ko nang hampasin ni Genesis ang mesa. Ramdam kong napalingon pa ang ibang kumakain sa amin kahit hindi ko na sila isa-isang tingnan pa. "Top 1 ka sa liscensure exam ng CPA, pero sablay utak mo pagdating sa love life. Kaya ka hindi umuusad kasi balik ka nang balik sa nakaraan!"

Nahihiya akong ngumiti. Medyo nakakahiya pala kasama si Genesis sa fast food restaurant kapag may nabanggit kang hindi niya gustong marinig kasi sisigaw siya. Gagawa siya ng eksena. Ipipilit niya ang paniniwala niyang tama siya.

Tinapik ko ang balikat ni Genesis sabay hilot nang magaan. "Hayaan mo siya. Iba-iba kasi tayo ng process of healing," sabat ko bilang pagpapakalma.

Mukhang tumataas ang dugo niya sa inis. Tumawa lang nang mahina si Jazz sabay dila na parang bata. Kinuha niya ang soft drink at kinagat ang straw. Muli namang umikot ang mata ni Genesis. Padabog niyang hinila ang tray at muntik pang tumilapon ang french fries.

Kinunutan ko sila ng noo nang sabay nila akong tingnan pagkatayo ko. Bibili rin ako ng makakain kong burger steak. Hindi pa ako nag-aalmusal.

"I made something for you to taste it," sabi ni Jazz.

Bahagya akong namulagat at umawang ang bibig kong nilingon si Genesis. Ngumisi lang siya sa akin sabay kagat sa french fries. Hinila niya ang upuang nasa kaniyang tabi at kinuha ang supot doon. Kinalas niya ang pagkakatali saka inilabas ang green na tupperware.

Lumunok ako nang lumunok sa nakita. Naulinigan ko ang pagtawa niya at marahang itinulak palapit sa akin ang tupperware. Nakatatakam ang itsura. Brownies yata ito at puti ang nasa ibabaw.

"Iyan iyong sinasabi kong brownies cheesecake. Have some bite. I didn't put peanuts," alok niya.

 I didn't put peanuts," alok niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Yearning HeartWhere stories live. Discover now