Chapter 26

21 0 0
                                    

PALINGA-LINGA AKO matapos akong pagbuksan ng pinto ni kuya guard. Nahagip ng paningin ko ang pagtaas ng kamay ni Jazz na ilang metro ang layo sa akin.

Sinundan ko ang direksyon ng tinitingnan niya at napagtantong kaya pala niya ako tinawag para pumunta dito dahil sa kaniya. Nakaupo ang tinitiktikan ni Jazz at panay ang tingin sa phone niya. Ang puwesto niya ay malapit sa counter—nakaharap siya sa pinto kaya malalaman niya agad kung sino ang pumasok. Samantala, malapit naman sa pinto si Jazz, sa tabi ng glass wall at talagang naupo siya sa likod ng pamilyang kumakain para hindi siya agad mapansin ni Drishtelle.

Umupo ako sa tapat ni Jazz. Imbes na siya ang tingnan ko para makita kung ano ang reaksyon niya o ang pagbabago ng kaniyang reaksyon ay pinili ko ring titigan si Drishtelle. Kahit may kalayuan siya sa amin ay kitang-kita ko ang ganda niya. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ni Jazz nang husto. Bumagay sa kaniya ang suot niyang long-sleeve baby pink maternity dress. Tapos ang liit pala ng mukha niya. Lumitaw ang taba ng kaniyang pisngi dahil sa messy bun niyang ayos ng buhok

Bumuntonghininga si Jazz kaya gumawi ang tingin ko sa kaniya. “Parang pabaya naman si Chrysler kay Drishtelle,” reklamo niyang may pag-aalala ang boses.

“Malay mo may date sila rito kaya nandito siya. Hinihintay niya,” sagot ko naman dahil kapansin-pansin naman sa ayos niya at kung bakit siya nandito.

“Kanina pa siya tingin nang tingin sa pinto. Baka hindi na darating.” Ibinalik niya ang mga mata sa puwesto ni Drishtelle.

Kitang-kita ko ang pag-aalala niya kahit na nakatagilid ang mukha niya sa akin. Anumang sandali ay parang gusto niyang tumayo na lang sa kinauupuan niya at puntahan si Drishtelle roon para yakapin o kausapin. Sa paraan pa lang ng pagbato niya ng tingin ay nag-aalab. Gusto niyang angkinin, pero hindi na niya magagawa pa iyon.

Ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng ganoong tingin sa akin. Mahal na mahal nga niya talaga kahit matagal na silang wala. Matipid akong ngumiti matapos kong sumandal at marahang tumango. Hinayaan ko siyang titigan niya ang mahal niya. May kasakitan sa matang makita siyang ganiyan pagdating sa iba.

Ang tahimik naming dalawa at inilalabas ko sa kabilang tainga ang mga naririnig kong boses ng mga ibang customer. Bigla ring lumamig ang buong paligid. Hindi ko alam kung kanina pa ba malamig o sadyang dinadamayan ako ng buga ng air-conditioner. Hinaplos ko ang magkabila kong braso at umayos na ng upo.

“Patay na patay ka talaga sa kaniya,” pagpansin ko dahil hindi niya magawa pati ang pagkurap.

Tumawa lang siya. Mabagal niyang ibinaling ang ulo paharap sa akin. Sumimsim siya ng tubig sa hinawakan niyang baso. Ibinalik niya ulit ang buong atensyon kay Drishtelle pagkatapos niyang pawiin ang uhaw sa lalamunan.

Walang tunog akong tumikhim. “Alam mo ba kung bakit love is blind?” tanong ko para nakawin ang ilang segundo niyang atensyon.

Para akong may nakagat na ampalaya sa guhit na ibinahagi ko sa labi. Hindi siya lumingon, pero nagpatuloy ako sa sinasasabi ko, “Love is blind kasi hindi niya kayang makita iyong halaga noong taong  nagmamahal talaga sa kaniya. Mas gusto niyang tingnan nang paulit-ulit at hinahabol-habol iyong taong hindi naman siya mamahalin pabalik.”

Hindi siya nag-react. Kay Drishtelle pa rin ang buong atensyon niya at hindi pinansin ang sinabi ko. Pipitikin ko ba sentido niya para lingunin ako o umalis na lang ako? Ipinatong ko ang magkabila kong siko sa mesa sabay hilamos ng palad sa aking mukha.

Mabagal akong naglipat ng mata sa babaeng kanina pa niya tinitingnan. Kahit siguro magdamag siyang umupo rito, hindi siya magsasawa sa ginawa niya. Mahina akong bumuntonghininga.

She will have a baby soon with his husband, yet, Jazz is still into her. I tried my very best to become the most understanding person but I cannot have that title.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now