Chapter 9

24 1 0
                                    

PINAGHALONG ASIM at tamis ang bumungad sa nababarang ilong ko. Ang sarap kumagat ng kinakain ni Genesis para manuot sa lalamunan ko ang tamis ng pulp juice ng orange. “Ano ang nararamdaman mo pagkatapos ng operation?”

“I feel numb,” mahina niyang sagot pero nag-echo sa apat na sulok ng kuwarto ang boses niya.

Pinakatitigan ko siyang nakayuko, nakatitig siya sa mga kamay niya. Umarko ang isa kong kilay nang ngayon ko lang mapansing napakaraming ugat ng kamay niya. Sa ilang araw ko nang pumapasok, hindi ko pa nagawang titigan nang ganito katagal ang kamay niya.

“Tara rito, girl!” agaw ni Genesis sa atensyon ko. Tumungo ako sa kaniyang tabi habang tinatanggal niya ang pagkakatali ng supot ng pinamili niyang prutas.

Napakarami namang orange ang dalawa niya at mansanas, tig-limang piraso at may ubas pa saka hindi nababalatang pinya. Mukhang pupurgain niya si Jazz ng prutas, na mas mainam naman dahil masustansya at magbibigay ng lakas kaysa sa shawarma na palagi niyang inihahabilin tuwing umaga sa akin.

“Ito, orange para hindi ka sipunin.” Iniabot niya ang dalawang orange.

Nakangiti kong tinanggap iyong ibinigay niya. Plano ko pa man ding dumaan sa grocery para bumili ng prutas, pero mukhang hindi ko na magagawa mamaya dahil may ibinigay na sa akin si Genesis. It is really good for me because it is one of the excellent sources of Vitamin C. Oranges have anti-oxidants to protect the skin from aging and lowers the risk of cancer.

“Hindi na masama pakiramdam mo?” pansin sa akin ni Jazz.

Tumango ako bilang sagot. Apurahan kong ibinaba sa kama niya ang oranges para lapitan siya at tulungang maupo. Kumalabit ang hininga niya sa balahibo ng leeg ko. Agaran akong lumayo, bumalik sa ibinigay sa aking puwesto ni Genesis,  sa kaniyang tabi.

“They'll come here,” matipid niyang sambit habang nasa kalagitnaan siya ng pagnguya sa kinakain.

Napansin ko ang pagsalabong ng kilay ni Jazz, hindi naintindihan ang tinukoy ni Genesis. Maging ako ay hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o si Jazz.

Nilunok niya ang nginuya sa kalagitnaan ng paghahati niya ng buong orange. Ibinigay niya sa akin ang kalahati, na nais ko pa sanang tanggihan pero panay ang lapit niya sa mukha ko, idinikit pa sa ibabang bahagi ng labi ko. Natatawa akong kinuha mula sa kamay niya.

“Your parents and Kuya Kier will come,” paglilinaw niyang tukoy sa kaninang sinabi. Ibinigay niya ang kalahati kay Jazz.

Sumama ang paraan ng paningin niya kay Genesis. Para bang gusto niyang batukan, pero hindi niya magawa dahil hindi siya makakaalis sa kinaroroonan niya. Nagkaroon ng guhit sa pagitan ng noo niyang napahilamos.

“Bakit mo sinabi sa kanila?”

Umismid siyang isinubo ang ubas at iginilid niya sa kaniyang pisngi kaya bumukol. Para siyang may mumps tuloy. Pumitas pa siya ng isa at isinubo, saka ganoon din ang ginawa niya sa kabilang pisngi.

“Nalasing ako noong isang araw at eksaktong tumawag mommy mo sa akin. Tinatanong niya kung nasaan ka dahil ilang linggo ka na raw hindi nagpaparamdam.” Inilahad niya ang grapes sa akin. Pumitas ako nang apat kaya paisa-isa kong isinubo bago ko abalahin ang atensyon ko sa pag-scroll sa phone.

“Sinabi mo muna dapat sa akin kasi sasabihin ko naman sa kanila pero. . .” Malalim siyang nagpakawala ng buntonghininga. Nahagip pa ng mata ko ang pagtulak niya sa kamay ni Genesis, muntik na niyang mahulog ang ubas. “hindi muna sa ngayon.”

Padabog niyang ipinasok sa binuksang tupperware na nasa loob ng supot. Tinapunan niya nang masamang tingin din si Jazz, ibinalik niya lang din ang natanggap niya kanina. “Ayan kasi ang mahirap sa 'yo, Jazzy. Palagi mo na lang iniiwasan mga problema mo. Ano naman kung malaman nila? Dami mong isyu sa buhay.”

My Yearning HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon