Chapter 21

25 1 0
                                    

AFTER a month of his recovery time, we spend together exchanging text messages every after my duty and it serves as our daily routine. Every day passed my feelings grew deeper which I couldn't stop myself from falling.

Ikukuwento niya kung ano ang pinakamasaya o pinakamalungkot na nangyari sa kaniya sa isang araw at ganoon din ako. Hindi siya nagsasawa kung halos lahat ng mga kuwento ko sa kaniya ay tungkol sa trabaho, pasyente, at Rahel. Hindi pa rin nakakalimutan ng bibig niyang banggitin ang pangalan ng kaisa-isang babaeng minahal niya.

Nakakalakad na siya nang maayos na walang sumusuportang crutches. Medyo ibinibida-bida pa nga niya sa aking kaya na niyang sumipa ng bola ng soccer ball.

Isinasayaw ng hangin ang nakatali kong buhok at hindi ko maiwasang isangga ang palad sa bandang noo ko para takpan ang sinag ng araw. Masyadong masakit sa balat, para akong dinadampian ng panyo na ibinabad sa mainit na tubig. Dumaplis sa ilong ko ang nilulutong turon at banana cue nang madaanan ko ang stall sa labas ng plaza.

Makabili nga mamaya ng lumpia wrapper at saba sa bayan para gumawa ako ng turon, saka may langka akong nakita sa refrigerator. Hinila kaagad ni Jazz ang atensyon ko sa gilid ng mataas na puno, at wala ng halos dahon pero nalililiman naman dahil natatakpan ng building ang kinakatayuan niya. Ikinakaway-kaway niya ang kanang kamay habang nakaupo siya roon sa gawa sa kahoy na upuan.

Ngumiti ako at malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit agad sa kaniya. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya, pero itinaas niya ang palad kaya hindi pa ako umupo. Binunot niya ang panyo sa kaniyang bulsa at inilatag sa uupuan ko bago tapikin ang espasyo. Hindi mamamantsahan ang pantalon kong puti.

Inilagay ko sa gilid ang bag ko habang naririnig ko naman ang pagkusot niya ng plastic. Pagkabalik ko ng atensyon sa kaniya ay nakaibabaw sa mga hita niya ang isang tupperware.

"I baked some brownies. Have some bite," pag-alok niya.

Dinilian ko ang ibabang labi dahil nakakapaglaway naman ang brownies. Napalibutan ng tsokolate ang ibabaw. Kumagat ako at nginuyang mabuti hanggang sa nakagat ko ang pinong mani na kaagad kong ikinaalarma.

Nakipaghabulan ako sa leon kung tumakbo para maghanap ng basurahan. Tumungo ako sa basurahang malapit sa palikuran. Walang alinlangan kong iniluwa ang nginuya kahit na maraming tao ang nakapila sa labas. Pati ang hawak ko ay naisama ko sa basurahan dahil hindi ko naman makakain.

"What happened?"

Nanigas ang katawan ko sa pagsulpot niya sa likuran ko. Nakita niyang tinapon ko iyong brownies? Bumalik sa maayos ang katawan ko at hindi mapigilang dumura nang paulit-ulit.

"Nilagyan mo ng mani?"

Tumango siya. Kinuha ko ng iniabot niyang tubig. Uminom ako at saka ako umupo para idura sa gilid ng puno ang minumog kong tubig. Nakatalikod ako sa mga taong nakapila para hindi sila mandiri. May pandidiri ang paraan ng paningin nila sa akin, na akala mo naman ay sumuka ako.

"May allergy ako sa mani. Ikamamatay ko kahit makakain lang ako nang kaunti."

Umawang ang bibig niya at napahilamos ng palad. Namumtla ang mukha niyang tiningnan ako. "I didn't know that you're allergic to peanuts. I'm deeply sorry, Vee. I almost killed you."

Isinara ko ang bote at nginitian siya para pagaanin ang kaniyang loob. "Ayos lang. Hindi mo naman alam na may allergy ako sa mani," sabi ko.

Wala siyang kasalanan dahil hindi siya aware. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko sinabi at hindi ako agad nagtanong bago kumagat. Napangunahan kasi agad ako ng gutom dahil sa nakaakit na disenyo ng pagkain.

Marahas siyang nagpakawala ng buntonghininga. "I still feel sorry for what I've done to you. Sigurado kang wala kang nakain kahit kaunti?"

Umiling ako. "Hindi ko pa nalulunok iyong nginuya ko kaya wala akong nakain. Sorry kung hindi ko makakain iyong inihanda mo."

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now