Chapter 24

22 0 0
                                    

NAGKUMPULAN kaming tatlo sa nurse station, magkakadikit ang mga upuan namin na para bang walang balak maghiwalay-hiwalay. Si Sophia ang nagpasimuno. Gusto niyang magtabi-tabi kami para isang takbuhan daw kapag may nagparamdam na naman. Binabalewala ko na lang iyong tunog na iyon at iniisip na hangin ang may gawa kapag may nahuhulog na kung ano sa mesa, kahit wala namang sumasagi o pumapasok na hangin sa loob.

Katatapos lang namin mag-rounds. Kaakyat lang din ni Dewei dahil inutusan siyang magbaba ng medical records. Binuksan ko ang tumbler na kinuha ko sa tapat ng kinauupuan ni Sophia. Vitamilk ang laman imbes na tubig. Para sa akin, tubig at energy drink ko ang vitamilk.

Matamis pero hindi ako nagsasawa sa lasa, saka moderate lang naman ang pag-inom ko nito. Apat na vitamilk ng 1.5 liters sa isang linggo. Nagbukas si Sophia ng biscuit. Inilapag niya sa mesa kaya nagsikuha kami ni Dewei para kumain. Umaga naman na kahit hindi pa nagpapakita si haring araw.

Hinugot ko ang phone sa bulsa ko sandali para silipin kung sino iyong nag-text sa akin kanina. Naramdaman kong nag-vibrate, hindi ko lang kaagad pinansin kanina dahil nakapokus ako sa ginagawa ko at saka oras iyon ng pag-consult ko sa mga pasyente. Bumuntonghininga ako at binasa ang natanggap kong text kay papa kaninang alas-una ng umaga. Apat na oras ang lumipas.

Pagkabasa ko para ipaalala ulit sa sarili kung ano ang gaganapin mamaya. Baka kasi may magpasalo na naman ng shift, hindi ko na naman matanggihan.

It's time to give myself time to spend with my family and friends. It's true that if I don't work, I feel exhausted but these past few days, it feels good to relax.

“Happy birthday pala kay Tita Megan,” pagbati ni Dewei habang ang atensyon ay sa pag-s-scan niya sa charts ng pasyente.

“Happy birthday sa tita mo,” mahinang sabi ni Sophia na nasa chart at phone rin ang atensyon. “May magaganap na small party mamaya?” dagdag niyang tanong.

“Salusalo lang siguro kung maiisip nila. Wala naman silang nabanggit sa akin kanina. Lalo na si papa, wala yatang balak,” sagot ko.

Naikuwento na sa akin ni papa na may nakaraan sila ni Tita Megan. Ganoon pala katindi ang love story nilang tatlo nila mama bago ako lumabas at ako ang ginawang priority ni papa simula noong pumanaw si mama. May kaunting hindi pagpapansinan sa tuwing nandoon si Tita Megan sa bahay. Para bang nawawala ang magandang mood ni papa kapag nakikita niya si tita.

Hindi ko naman sila masisisi pareho kung ganoon ang nararamdaman nila kasi hindi ako iyong nakaranas ng sakit noong sila ang nagkakagulo sa love life nila.

“Akala ko magiging step-mom mo na si Tita Meg. Ayaw talaga yata ni tito.” Mahinang tumawa si Dewei.

Natawa rin ako nang mahina. Matutuwa naman ako kapag naging step-mon ko si Tita Megan, kasi noong high school pa lang ako, nabanggit ni tita sa aking may gusto pa siya kay papa, pero si papa, wala lang sa kaniya. Matagal na talagang pinutol ni papa ang kuwento nilang dalawa.

“Ayaw na rin ni tita. Mas maayos na raw buhay niya kahit walang boyfriend o asawa,” sabi ko nang maalala ko ang sabi niya sa akin noong nakaraang buwan.

“Hindi ako makakapunta sa inyo after ng shift natin. Next week na lang ako pupunta.” Sumandal si Dewei, nag-inat ng kamay na parang may itinutulak siya sa harapan niya.

“Ako rin, Veena. Sa birthday na lang ni Rahel ako pupunta sa inyo.”

Tumango lang ako sa kanila. Wala namang problema sa akin kung hindi sila makakapunta. Maiintindihan na rin siguro ni tita iyon. Mas pinaghahandaan talaga ng dalawang ito ang birthday ni Rahel.

“May gusto bang regalo si Rahel? Dadaan kasi ako sa mall mamaya. Isasabay ko na rin ang pagbili ng regalo ko para sa kaniya,” dagdag ni Sophia at lumingon pa siya sa akin.

My Yearning HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant