Chapter 34

21 0 0
                                    

PINAPANOOD ko ang heart beart ni papa sa machine habang palapit ako nang palapit sa kaniya. Nanginginig ang tuhod ko sa kalagitnaan ng pagtutubig muli ng mga mata ko. Parang noong isang araw lang ay nag-uusap pa kami, pero bigla na lang siyang naging ganito.

Iniwasan kong makalabit o masagi ang mga nakakakabit kaya dumistansya ako nang dalawang metro. Halos hindi pa mag-sink in sa akin ang sinabi ng doktor. Nilingon ko si Tita Megan nang hawakan niya ang braso ko nang muntik na akong mawalan ng balanse.

This is my very first time to experience it. Papa has never been hospitalized since I was a kid. He doesn't have any problems with his health. It's shocking for me to see him like this. I want to do something to wake him up but I know that it won't help and it will worsen his condition.

“Tita, anong nangyari kay papa?” garalgal at mahina ang boses kong tanong.

“Nakailang tawag iyong employee ng company nila sa 'yo at hindi ka raw nila matawagan. Ginamit din nila phone number ng papa mo para tawagan ka, pero unattented.”

Kahit hindi ko nasagot ay mabuti na lang ay naisugod nila kaagad si papa sa ospital. Malaking pagkakamali ko lang iyong hindi ko dinala ang phone ko sa akin at naka-silent pa. Hindi ko naman ginagawa iyon, pero nadala lang kasi ako sa emosyon ko at ayaw kong makakita ng text message galing kay Jazz. Hindi ko naisip na puwede ko namang hindi pansinin gaya ng ginagawa ko noong mga nakaraang araw.

“Ang sabi lang nila sa akin, nadulas daw ang papa mo noong nagpunta sa restroom. Tumama raw iyong ulo niya sa sahig,” kuwento ni tita sa sinabi sa kaniya.

“Wala raw bang nakalagay doon na signage as warning na basa ang sahig?”

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Baka siguro nakalimutang lagyan ng janitor doon o baka may nagtanggal dahil medyo imposible para sa aking hindi ilagay ng janitor iyon. May galit siguro siya kay papa o may hindi pagkakaintindihan.

Dadaan ako mamaya roon para tanungin kung ano talaga ang nangyari at titingnan ang CCTV footages. Kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa iyon kay papa, kung sakaling mayroon ngang salarin sa pagkadulas ni papa.

Nagkibit-balikat si tita. “Walang sinabi sa akin.”

“Comatose si papa, tita. Wala namang nakitang blood clot sa utak niya pero oobserbahan pa raw siya,” imporma ko dahil kararating lang din ni tita kani-kanina lang bago ako pumasok rito sa loob.

Hinagod ni tita ang likod ko. “Ako muna ang magbabantay kay Rahel,” sabi niya.

Umiling ako bilang pagtanggi at tiningnan nang mabuti si tita kung seryoso siya sa sinasabi niya. She never volunteered herself to babysit Rahel.

“May business appointment ka sa New York 'di ba, tita?” tanong ko. Sinabi na niya sa akin ito last week kaya imposibleng nakalimutan niya kung ano ang kaniyang schedule. “Importante iyon,” gatong ko.

She smiled. “Makakahabol pa naman ako. Ako muna magbabantay sa kaniya hanggang bukas. Huwag mong alalahanin ang business doon. Ang pera nahahanap pa, pero hindi nahahanap ang pamilya.”

Napangiti ako sa sinabi ni tita. Tama siya sa puntong iyon kaya nga ayaw ko na ang mawalan ng oras sa kanila, kahit nagpakalunod ako sa pagtra-trabaho. Gusto kong bumawi sa pagiging maintindihin nila sa akin sa tuwing hindi nila ako kasama sa holidays.

“Magpahinga ka muna. Tapos na rin ang visiting hours para may lakas ka.” Ngumiti si tita, inalis ang kamay niyang hinagod ang likod ko.

Bumaling ang tingin ko kay papa na napakahimbing ng tulog. Sa posisyon niya ay parang nagpapanggap lang siyang natutulog, nakikinig sa pag-uusap namin ni tita. Inabot ko ang kamay ni papa saka marahang hinaplos ang likod ng palad niya na walang nakakabit na suwero.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now