Chapter 37

17 0 0
                                    

BUMUGA AKO ng hangin sa nakatayong lalaki sa harap ko. Saan kaya siya nakahakot ng kakulitan at hindi siya napapagod sa pagpunta? Nakapaskil ang malapad niyang ngiti na parang gomang nabibinat.

“Good morning, Vee!”

Tinapunan ko lang siya ng tingin at nilagpasan. I'm not happy to see him. Kung dati ay kusa akong ngumingiti kapag nakikita ko siyang nandito ay hindi na ganoon ngayon. Malamig ko siyang tinapunan ng tingin dahilan para mabawasan ang ngiti niya.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko kaya tumigil ako at pumihit paharap sa kaniya. “Wala ka bang trabaho ngayon? Napapadalas na kasi ang pagpunta mo rito at baka matanggal ka na sa ginagawa mo,” nag-aalalang sabi ko habang nasa bintana ng kotse niya ako nakatingin.

Matipid siyang ngumiti. “I came here for you to send you home,” masayang sagot niya. “Just like we used to do when things are still normal between us.” A hopeful smile escaped.

Problemado akong bumuntonghininga na sinamahan ko pa ng pagpikit ng mata nang ilang segundo. “Kailan mo balak tumigil?”

Kinunutan niya ako ng noo. “Why do I need to stop?”

Ramdam ko ang guhit ng noo ko habang nakatitig sa kaniya. Seryoso ba siya? Nagpapatay-malisya lang. I told him many times that I don't want to see him. Imposibleng hindi niya narinig.

Hinimas ko ang sentido. “I don't want to be sound disrespectful but please, don't make it more complicated, Jazz. Hindi ako sigurado kung titigil na ba ako o. . .” Marahas akong bumuntonghininga na may kasamang tunog pa para ipakitang na-s-stress ako.

Bakit niya ako pinapahirapan? Alin doon sa mga sinabi ko noong mga nakaraang araw ang hindi niya maintindihan?

Tinititigan ko ang mga mata niya at tila ba marami siyang gustong sabihin sa akin. Akmang tatalikod na ako para umalis nang hawakan niya ang manggas ng uniporme ko.

“Huli na ba ako?”

Nakaawang ang bibig kong humarap sa kaniya at unti-unting namuo ang gatla sa noo ko.

“Sa iyo. . .” mahina niyang sambit. Ipinako niya ang tingin sa mata ko. Naghahanap siya ng sagot mula sa ginagawa niya, pero gusto ko na lang matawa sa sinabi niya.

“Bakit ka mahuhuli? Wala ka namang mahahabol sa akin. Hindi mo ako—wala.” Lumungkot ang ekspresyon ng mukya niya kaya nagbago ang isip kong magbitiw ng kung ano pang salitang magpapalungkot sa kaniya. Why do I still care if I made him sad? I sighed, heavily. “Pasensya ka na. Nadala lang ako,” paghingi ko ng paumanhin.

“I want to stay with you as. . .” alanganin niyang sabi, maging ang pagdapo ng tingin niya sa akin ay hindi na niya magawang makipagtitigan pa. Hinilot niya ang likod ng leeg niya. “. . . Like this. Don't push me away.”

Hindi naman siya mukhang nagmamakaawa sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin. Kung bakit nandito pa rin siya. Kung ang ibang lalaki ay maghahanap na agad ng iba kapag ipinagtulakan ito palayo. He always gives me havoc.

Pumasok sa ilong ko ang usok galing sa tambutso ng dumaang kotse. Umihip din ang mahinang hangin kasabay ng pagsilip ng haring araw na kanina pa nagtatago sa makapal na ulap kanina nang maramdaman ko ang pagtama niyon sa balat ko.

Suminghap ako. Pinisil ko nang magaan ang lalamunan ko at pataas kong hinilot hanggang sa dumikit ang palad ko sa aking baba. Lumipat-lipat ang tingin ko sa mga mata niya para kilatisin sandali nang sa ganoon ay masabi ko nang hindi napapahiya o masisira ang mood niya. Binabalanse ko ang mahinang dampi ng hangin sa umiinit na sikat ng araw sa balat ko.

Nagbilang ako ng tatlo sa isip ko hanggang sa nakakuha ako nang tamang lakas ng loob. “Alam kong assuming ang dating kapag tatanungin ko sa 'yo ito, pero pasensya ka na kung tatanungin ko.”

My Yearning HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon