Chapter 8

26 1 0
                                    

SUOT-SUOT KO ang ngiting pumasok. Iwinaksi ko sa isip kong hindi maganda ang nararamdaman ko. Ramdam ko ang init ng katawan ko at pagkabarado ng ilong. Ang bilis naman kumalat ng virus noong babaeng nakasalubong ko sa hallway kagabi. Bumahing lang, kumapit na sa akin.

Pasimple akong bumuntonghininga para lumanghap ng hangin dahil hindi ako makahinga nang maayos. Ginawa ko ang dati kong ginagawa tuwing pumapasok ako para i-monitor. Pagkatapos ko sa ginawang pag-tsek sa kaniya ay ituon ko ang mata sa medical chart niya para markahan at maglagay ng side comments.

“Masyado bang makulit si Rahel?” tanong ko.

Nakakahiya kung masyadong malikot si Rahel kagabi. Ipinagkatiwala ko na nga sa kaniya saglit, tapos naperwisyo ko pa sa kakulitan ng anak ko. Hindi ko pa man din alam kung okay lang sa kaniya ang makukulit o baka hindi. Pagkabalik ko kagabi rito ay nakatulog siya nang mahimbing sa tabi ni Jazz. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa kama. Paniguradong pinatuntong siya ni Jazz sa upuan.

Medyo iniangat niya ang ulo, na para bang binigyan niya ako nang matipid na pagtango. “He’s full of energy and fun to be with.” Ngumiti siya.

“Mukhang ginulo ka niya masyado kagabi kaya hindi ka yata nakatulog nang maayos,” pagpansin ko nang mahagip ko ang paghikab niya. “I’m sorry for disturbing you last night.”

Umiling siyang iwinagayway ang palad. “No, it’s okay. He has a lot of stories from me last night. Ikinukuwento niya sa akin iyong favorite story niyang kuneho at ang pagong,” natatawang sambit niya habang itinataas-baba ang dalawang kamay.

Palagi niyang ipinapakuwento sa akin ang kuneho at pagong, nagsilbing lullaby niya iyon. Binabasahan ko siya ng iba pang bedtime stories, pero bago siya matulog ay hihilingin niya sa aking ikuwento ang kuneho at pagong.

“Ako dapat ang magkukuwento para patulugin siya, pero siya ang nagkuwento.” Dumapo ang kamay niya sa kaniyang noo habang nakangiti nang malawak.

Mukhang marami nga silang napagkuwentuhan kagabi noong iwan ko siya sa kaniya. Nakakatawa kasi ayaw niya pang umimik pagkapasok namin. Halos ayaw pang pumansin kay Jazz pero hindi ko aakalaing magkakasundo sila agad.

“Pagpasensyahan mo na ang kadaldalan ni Rahel. Mukhang tahimik lang ‘yon sa una, pero napakakulit talaga. Hindi ka sana nainis sa kakulitan niya.”

Tumawa siya. “Mas makulit pa si Genesis kaysa sa kaniya.”

Makulit pala sa kaniya si Genesis, pero sa akin hindi. Nakakatakot siya kapag nanahimik bigla.

“Is he your nephew?” Kumunot nang kaunti ang noo niya.

“He’s my son,” nakangiti kong sagot. Proud akong siya ang anak ko.

Gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha sa pamamagitan ng panlalaki nang bahagya ng mga mata at agad ding nagbaba ng tingin saka tumango.

“You have a smart and lovable son.”

Ngumiti siyang hindi nagdagdag ng kardagdagang tanong tungkol kay Rahel. Ready naman akong sagutin ang mga ibabato niyang tanong sa akin kung sakaling curious siya, pero hindi ko siya nakitaan ng curiosity o panghihinayang sa ekspresyon niya nang malaman niyang may anak ako. Most of my colleagues’ way back, if I told them that Rahel is my son, they will give me the disgusted look which I’d never seen on them before. I realized that they set a high standard towards me that at this age, I’m still happy from my relationship with Alexander and marriage first will be on my mindset than the opposite.

Wala namang masama kung nagkaanak ako nang hindi pa kasal at wala na siyang papa. Sa katunayan, hindi ako ganoon kabata para hindi pa pumasok sa isip ko ang tungkol sa pamilya. I’m twenty-four when I gave birth to Rahel, and now he’s a four-year-old handsome kid. I didn't regret it. This is the best gift of God given to me as well as Alexander.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now