Chapter 5

36 1 0
                                    

BINUNGARAN AKO ng likod niya pagkatapak ng paa ko sa loob ng kuwarto niya. Sumingkit ang dilat na dilat ko pa ring mga mata dahil hindi man lang niya napansin ang pagpasok ko. May iniisip yata siya kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ko. Umatras ako nang isang hakbang, hindi ko na binuksan ulit ang pinto sapagkat idinapo ko na lamang ang kamao para gumawa ng ingay. Nakuha ko ang atensyon niya nang mailing-iling siya.

“Good morning.” Ngumiti akong ikinalat ang tunog ng itim kong rubber sneakers sa puti at makintab na tiles ng kuwarto niya.

Tinungo ko kaagad ang kinaroroonan ng upuan na malapit sa bintana. Binuhat ko at itinabi sa paanan ng kama, pero may agwat para hindi ko masagi o mahawakan ang paa niya. Bumalik ako sa bintana, bahagyang hinawi ko pakanan ang kurtina. Mas nakakagana ang araw kapag maliwanag ang kuwarto. Nakakakilabot kapag masyadong madilim. Para sa akin, may mangyayaring hindi maganda at pagluluksa ang dulot ng madilim na kuwarto o kahit saang lugar.

Lumingon ako sa kaniya at naabutan kong isinangga niya ang braso sa kaniyang mukha. Akmang ibabalik ko sa dating pagkakaayos ng kurtina nang itaas niya ang kaliwang hinlalaki.

Umukit sa labi ko ang hiya saka mabagal na humakbang palapit sa upuan. “Naistorbo ba kita?”

He shook his head. “Kagigising ko lang.” Nangunot ang noo niyang pinasadahan ako ng saglit na tingin mula ulo hanggabg paa. “Wala ka ng duty?”

Humalik ang pang-upo ko sa salumpuwit ng upuan. Kahit matigas ang monobloc ay para akong nakaupo sa kutson. Maging ang likod ko ay sa wakas nakasandal din. Mahina kong hinampas-hampas ang hita ko pababa sa aking paa gamit ang nakakuyom kong kamao. “Katatapos lang ng duty ko kaya ako dumiretso rito,” sagot ko habang wala sa kaniya ang mga mata.

Suot-suot ko pa rin ang uniporme. Plano kong umuwi muna bago pumarito para bantayan siya, kaso naisip kong huwag na lang dahil aksaya lang sa oras lalo na at sa ganitong oras ay nakikipaglaban ang mga sasakyan sa matinding traffic jam.

Ibinalik ko ang tingin ko nang mabusog ang apat na sulok ng kuwarto sa katahimikan. Nagbilang pa ako sandali nang sampung segundo mula sa isip bago ako tumigil sa ginagawang pagmamasahe sa nangalay kong paa. May ilang akong naramdaman kaya pinilit kong ngumiti.

“Nag-almusal ka na? Dadaan ako sa convenience store.” Tumayo akong sinulyapan ang suot kong wrist watch. Eight o'clock na pala nang umaga.

Dapat pala ay nanatili na lang akong tumayo hanggang sa sumagi sa isip kong hindi pa ako nakakapag-almusal. Kinamot ko ang batok ko habang nakatingin sa kaniya, naghihintay ng isasagot niya.

“Huwag mong seryosohin iyong sinabi ni Genesis sa 'yo kagabi,” pag-iiba niya ng usapan imbes na sagutin ako.

Bahagya ko lang siyang pinandilatan ng tingin. Seryoso ang pakiusap sa akin ni Genesis, kaya dapat ko ring seryosohin. Um-oo na rin ako at wala nang atrasan. Saka masaya naman ako sa desisyon ko, hindi ko pinagsisisihan.

Umiling ako bilang pagtanggi sa sinabi niya. “I agreed on her and it's a sign of promise. Ayaw kong sirain ang tiwala niya sa akin.” Ngumiti ako.

Genesis is been a good friend to me since college. Kahit na hindi ko siya naging kaklase pagkatuntong sa second year. She always comes to the library to mingle with us every time she goes there. Nakakatawa lang kasi palagi niyang sinasagot si Dewei na gusto niya akong makita palagi para hindi raw niya ako makalimutan.

Tumayo ako sa tapat ng kama niya, malapit sa pinto. “Kailangan mo rin naman ng magbabantay sa 'yo. Mas lalo ka lang malulungkot kapag mag-isa ka rito,” dagdag ko pa para alisin ang pag-iisip niya na ng kung ano.

Paniguradong nakakalungkot at nakakawala siguro sa katinuan. Hindi ko man alam ang natural na pakiramdam ng nasa apat na sulok ng puting kuwarto, at malamig na buga ng hangin ang tanging humahaplos sa balat.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now