Chapter 2

43 2 0
                                    

SINIPSIP KO nang maigi ang hawak-hawak kong carton pack ng vitamilk, double choco shake flavor. Nanunuot sa aking lalamunan ang tamis at nakagiginhawa sa pakiramdam dahil sobrang lamig nito. Tumigil ako sa pagkagat ng straw para alugin. Hindi ko pa nasasaid nang maigi dahil mayroon pang kaunting laman.

Muli kong ibinalik ang pagsupsop sa straw, at para akong batang paslit kung uminom sa nagagawa kong ingay. Mahinang tumawa si papa pagkalingon niya sa akin sabay iling.

Nanghihingi ako ng paumanhing ngumiti, nakataas ang dalawang daliri ko bilang peace sign. Inilapag ko sa cup holder sa aking gilid ang iniinom. Medyo nakasisilaw na tail light ng mga sasakyan ang bumabalandara sa window frame, kaya bahagya kong ipinikit ang kanang mata ko saka isinandal ang ulo sa headrest. 

“Mag-text ka kung wala kang masasakyan para alam kong sunduin ka,” wika ni papa habang umuusad ang sasakyan.

Sa gabi-gabing umaalis ako ay hindi ko pa rin maiwasang sundan ng tingin ang mga taong naglalakad sa sidewalk. Kumurba pa ng ngiti ang labi ko nang magawi ang tingin ko sa isang bahay, may nakapuwestong maliit na mesa sa labas at nakapalibot ang mga lalaking walang damit  pang-itaas habang may hawak-hawak na baso at tinutungga nila iyon.

“Huwag kang mag-aalala sa akin, papa. Malaki na ako, ginagawa mo pa akong bata na hatid-sundo,” natatawang kong sambit. Inilipat ko ang tingin sa harap, kung saan puro tail lights ang naaninag ko.

“Kahit na, Janelle. Gusto ko lang makasiguro na maayos kang nakakauwi sa bahay. You’re always be my number one priority.”

Mas lalong lumapad ang pagngiti ko. Damang-dama ko ang sincerity at love sa tono ng boses ni papa, na hinding-hindi ako magsasawang marinig. Tumatalon ang puso ko tuwing sinasabi niyang ako ang number one priority niya. He has a life, too, and I think this is the right time to make himself happy.

He's still fifty years old and he's not that old enough to find a woman who complement on him. Plus, he doesn't look fifty for me, he is like forty years old. Mangilan-ngilan lang ang nakikita kong uban ni papa, at isa pa ay batang-bata ang mukha niya, saka maganda rin ang kaniyang pangangatawan. Malusog ang braso kahit may bilbil sa tiyan.

Nakataas ang isa kong kilay na nilingon siya. “Wala ka na talagang planong mag-asawa, papa? I’m twenty-six at hindi ka pa matanda para maghanap ng girlfriend,” wika ko, itinaas ang dalawang daliri ko sa kanan, ipinagdikit nang mabuti para ipakita ang ipinahihiwatig ko at umaasa akong nakuha niya.

Marami akong kilala at nakakasalamuhang pasyente na kasing-edad si papa ay may thirty years old na asawa. Kaya hindi pa huli ang lahat para hanapin ang katuwang ni papa sa buhay. Nakakainis lang dahil sa apat na dinala ko sa kaniya sa bahay, na mga mommy ng kaklase kong single mom ay wala siyang natipuhan.

Mapang-sutil ang pagtawa ni papa. Inilingan niya ako at seryosong nagsalita, “I don’t have plans for that. I am happy to be a single dad.”

Itinaas ko ang dalawang kamay bilang pagsuko. I think, I need to accept his decision that he's fine with his life now as a single parent for me. Still, I want him to be happy. 

“Are you enjoying your job?” Binuksan ni papa ang glove compartment habang ang isang kamay niya ay abalang iniikot ang manibela pakanan para makapasok sa loob at itapat ang sasakyan sa entrance ng hospital. 

Kinuha niya ang dalawang skyflakes, iniabot sa akin. Tinanggap ko at isinuksok sa bulsa ng suot kong puting blouse. Hindi talaga nakakalimutan ni papa magtago ng skyflakes sa glove compartment at kapag wala siyang nakitang nakasuksok sa bulsa ko, hindi niya nakakaligtaang iabot sa akin ang dapat sana ay baon niya habang nasa biyahe.

“It’s tiring but it’s a rewarding job. Nakakataba sa puso papa, kapag nakikita mong magaling at lalabas na sa hospital ang mga pasyenteng inaalagan mo,” nakayakap sa sariling sagot ko.

My Yearning HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora