Chapter 14

21 1 0
                                    

UMARKILA KAMI ng tricycle papunta sa bahay nila Dewei pagkasundo kay Rahel sa school. Hinahanap ko si Dhenzel, pero mukhang hindi yata pumasok o kanina pa nakauwi.

Mas maganda na ang mag-commute para sa akin dahil hindi ko rin naman nagagamit masyado. Palaging sa hospital, bahay at bayan lang naman ang destinasyon ko. Sayang lang ang perang magagastos sa paghuhulog ng installment at matrabaho ang paglalakad ng papeles, hindi ko na maharap. Saka na ako bibili kapag nasa eighteen na si Rahel, para may gagamitin siya.

Kinalong ko ang backpack niya at saka ko inilabas ang kulay abong t-shirt sa bag ko, dalawang face towel at hinayaan kong nakabukas ang bag. Pinunasan ko ang pawis niya sa mukha hanggang sa leeg. Tinanggal ko ang pagkakabutones sa uniporme niya at saka iniangat ang sando para tanggalin kasabay ng pagtalikod niya para punasan ko ang basang-basang pawis niya.

Paano ba naman ay naabutan kong nakikipaghabulan sa mga kaklase niya sa gitna ng open field at tirik na tirik pa ang araw. Kinuha ko sa bag ang pulbo para lagyan ang likod niya. Ipinasuot ko sa kaniya ang kulay abong t-shirt, inilagay sa kaniyang likod ang face towel, at muling iniayos ang dulo para hindi mahulog kapag maglalakad siya mamaya. Nilagyan ko rin ng pulbo ang mukha niya at leeg para maging fresh siya kahit nababad sa araw.

"Mommy, I wrote a letter for Tito Dewei as a gift," pagbabalita niya sa akin habang sinusuklay ko ang buhok niya at pinupunasan para tuyuin ang pawis.

Binuksan niya ang pocket ng bag niya at inilabas ang nakatuping papel. Pagkabalik ko ng suklay sa aking bag ay pinanood ko at binilang ang pagkakatupi niya. Limang beses saka medyo gusot-gusot.

Ibinigay niya sa akin ang letter. "Babasahin ni mommy?"

Tumango-tango siya. Gusto ko munang ipaalam sa kaniya para hindi siya mainis sa akin kapag bigla-bigla kong babasahin. Pagkabuklat ko ay hindi mapigilan ang paglawak ng ngiti ko. Malalaki masyado ang titik ng sulat-kamay niya. Mababasa agad ng malabo ang mata. Medyo pahiga pa ang sulat at parang papuntang Baguio-pataas at pababa.

Dear, Tito Dewei

You are handsome like me and I hope you will continue to be good to mommy and to me. You are my favorite tito in this world. Happy birthday tito I don't have money to buy you an expensive gift bili na lang ako kapag may work na ako. I love you tito

Love,
Rahel

Nakakataba ng puso kahit napakasimple ng mensahe. Sigurado akong magugustuhan ni Dewei ito. Napansin ko ang malaking heart sa bandang baba ng kaniyang pangalan na kinulayan pa niya ng pula. May star-star din siyang inilagay sa bawat dulo ng papel para magsilbing border. Nagmistula ring rainbow ang dating sapagkat iba't ibang kulay para punan ang puting background ng coupon na ginamit niya.

Niyakap ko si Rahel, hinalikan ang tuktok ng ulo niya kahit basa at amoy pawis. Mabilis ang tibok ng puso kong natutuwa dahil napakalambing niyang bata. Pagkalipas ng ilang minutong biyahe, bumaba kami sa tapat ng bahay nila Dewei at iniabot ko ang bayad.

Blue green ang pintura ng buong bahay nila sa labas, na dati ay kulay blue. Ang bubong nila ay kinakalawang na, sandamakmak ang naipong dahon at kitang-kita ang nakahilerang gulong. Kaagad itinulak ni Rahel ang kumukupas ng pintura ng gate na hanggang dibdib ko ang tangkad. Sementado ang buong paligid, pero hindi ganoon kainit dahil may nakatirik na indian mango sa tapat ng kanilang bahay at parang payong na nililiman ang buong paligid. Presko ang hampas ng hangin kahit nakakapaso ang init ng panahon.

Dumako ang paningin ko sa red and white stripes na may print pang coca-cola para takpan ang mesa. Hindi pa nabubuksan ang dalawang roll cake na galing sa goldilocks, isang malaking bilao ng pansit at nasa malaking tupperware ang shanghai at fried chicken. Talagang dinala lahat ni Sophia ang napag-usapan naming handa at siyempre, nag-ambag ako.

My Yearning HeartWhere stories live. Discover now