43RD

23 1 0
                                    

Ysa's

Our emotions had us controlled by the time we got into that truth-revealing arguement. May parte sa akin na masaya dahil nalaman kong minahal niya talaga ako. Nakumpirma kong hindi sayang ang pagsasama namin noon. But there was still one question left unanswered.

The reason why he decided to end our relationship with such a blast.

Of course, I couldn't ask him that again when he decided to take me home. I cried myself all night when I got home immediately. Nagtatanong si Kuya Rudy kung bakit ako umiiyak, pero hindi ko masabi sa kanya. Huwag ngayong kasama pa namin siya sa trabaho.

That was a few days ago. Going back into the present, narito ako ngayon sa aking office, abalang tumingin ng mga dokumento ng aming kumpanya. I was then disrupted by knock on my door.

"Ma'am, narito na po si sir," a staff informed me.

"Let him enter," I commanded her.

As soon as someone entered my office, tumayo ako mula sa aking swivel chair bilang pagsalubong at paggalang. It was a stockholder from our company. I motioned him to sit down as he was about to discuss something with me.

Napansin kong kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa akin, but I chose to disregard the thought. Baka namamalik-mata lang ako.

May ipinakita siyang isang folder sa akin. He started to flip its pages, showing me their documentation.

"So, miss Suarez..." Nabaling ang tingin ko sa aking kausap. My forehead creased when he started to caress my hand on the table. "I have a coㅡ" 

His words were cut by a man that barged in. Taka akong napa-angat ng tingin sa taong nang-istorbo, he was being stopped by our staff outside.

Nagulat ako nang hatakin niya ako sa aking braso upang tumayo. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin suot-suot ang kanyang madilim na ekspresyon, making me gulp.

"You're coming with me," ani ni Brett.

Nagtatambol ang puso ko dahil sa kaba. Sinubukan kong makawala mula sa kanyang hawak, ngunit masyado siyang malakas. Mas lalo akong nataranta ako nang hilain niya ako palabas, leaving my associate in my office.

I heard vehement footsteps behind us. A hand laid on Brett's shoulder. "Who are youㅡ"

"ㅡto lay your hand on me?" my yanker preceded as he brushed the hand of my guest's hand away. 

Dala ng pagkapikon, inambahan siya nito ng suntok. Ngunit bago pa ito lumapag sa mukha ni Brett, he continued to drag me away from that place. When I looked back, I saw the stockholder's fist left hanging in the air.

"What the hell are you doing?! I told you we're not going to meet today!" mariin kong bulong sa lalaking patuloy na humihila sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa aming kumpanya, kaya't inayos ko ang aking tindig, trying hard not to make the chaos too obvious.

Sa halip na sagutin ang aking tanong, patuloy niya akong hinila papunta sa kung saan. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang humingi ng tulong mula sa kahit sino. Nakatingin lang silang lahat, pati ang mga gwardya namin! Hindi ba nila nakikitang naki-kidnap na ako rito?!

Namataan ko si Kuya Rudy kasama ang kanyang secretary sa café. He turned to my direction, so I mentally asked for help. I was expecting him to give orders to the security or body guards, but he only followed my gaze as I was being pulled away.

Hindi katagalan ay nakapasok na kami sa elevator. He only let go of my hand after pressing the basement button. He looked more calm than last time.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now