3RD

74 16 5
                                    

Ysa's

Nagbabasa lang ako ng libro sa isang bench dito malapit sa parking lot dahil tapos na ang lahat ng klase ko ngayong araw nang biglang may tumabi sa akin at umakbay. Hindi ko na lang pinansin at umusog papalayo sa tabi niya.

"Sinong nagsabing pwede mo akong akbayan?" mataray na suway ko kay Nico habang nasa libro pa rin ang tingin. Ni hindi pa nga kami ganon ka-close.

Speaking of him, he already apologized and explained his side. Sabi niya, hindi niya intensyon na gawin 'yon. I don't know but, he easily convinced me. Kung may experience man siya sa acting, ang galing niya pero ang sarap pa rin na sapakin. Buti't nalaman kong wala naman.

"There's nothing wrong with it, we're just friends.." hindi ko na lang siya pinansin, makiramdam ka naman oh? "..but friends don't know the way you taste, la la la?" nabato ko ang libro kong binabasa sa kanya dahil sa gulat, pambihira!

"Manyak!" sigaw ko sa kanya habang nakatayo sa harap niya.

Bigla rin naman siyang tumayo at natatawang tumingin sa akin. "Kanta lang 'yon, One. You're overreacting."

"You sounded like a maniac." sinamaan ko siya ng tingin, hindi naman siya natinag. Tss. "Now you're giving me a nickname?"

Nagkibit-balikat siya. "Because why not? Your name's too long, in syllables."

"Ysa sounds much better, you're ruining my name."

"It's too long. The shorter names are, the easier life could be."

"Then what should I call you? Nicoco?" tinawanan niya lang ako sa isang nakakaasar na paraan. Tinalikuran ko siya at maglalakad sana palayo pero napatigil agad ako nang muntik na akong mabangga kay Brett na nasa likod ko lang pala.

"Are you trying to keep it up with the Jones?" bati niya. Yes, ganyan talaga siya bumati. He's very fond of saying things like this these past few days. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya!

"Natatae ako," sambit ni Nico na nagpairap sa akin.

"Tae ka," at iniwan ko silang dalawa roon. Bahala sila sa buhay nila.

Napairap ako nang biglang sumulpot si Nico sa tabi ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakasunod lang si Brett sa amin. Pambihira 'tong dalawang lalaking 'to.

"Why are you always that grumpy?" and now Brett's beside me, just to piss me off again.

"I'm not going to be grumpy kung hindi niyo ako ginaganito." nilabas ko ang cellphone ko at sinalpak ang earphones sa magkabilang tenga ko. Pinikit ko rin ang mga mata ko, bahala sila ryan.

Napadilat ako nang makarinig ako ng busina at kasabay noon ay may humila sa akin sa baywang pabalik sa sidewalk.

"Watch where you're going," nakapamulsang sambit ni Brett matapos tanggalin ang kamay niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa daan.

"Then don't follow me, you two. Hindi ko kayo mga bouncer!" tugon ko habang hindi silang nililigon. They would follow me anywhere, para silang mga robot!

"Meron ka ba ngayon?" napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Nico. Nakapameywang ko silang hinarap habang nakakunot ang noo. Ang kapal naman talaga ng lalaking 'to na magtanong.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now