5TH

70 15 6
                                    

Ysa's

"Hindi ka pa ba tapos d'yan?" sigaw ni Brett mula sa labas ng cubicle ng fitting room kung nasaan ako.

"Malapit na!" sigaw ko habang inaayos ang damit ko mula sa pagkakabihis. Nang makalabas na ako, nauna pa siyang maglakad sa akin. Napaka-gentleman talaga ng lalaking 'to.

"Did you make up your mind?" tanong niya sa akin habang binabalik ko ang mga damit na kinuha ko sa kani-kanilang lagyanan.

"Not yet."

"Whatㅡ"

"None of these fit me," at lumabas na kami ng store na 'yon. Naghanap na ako ng iba pang store bago pa maubos ang pasensya sa akin ni Brett.

Bumuntong-hininga siya at ginulo ang buhok ko. "Brett!" sigaw ko at iniwas ang ulo ko. "You're ruining my hair. Tss, boys will be boys."

He chuckled and put his hands in both of his pockets. "And girls will be girls."

Ilang segundo lang, biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalingon sa akin ng mabilis. Taka naman akong napatitig sa kan'ya, bakit naman ganyan siya makatingin? May pagka-bipolar din 'to eh.

"Why is that open again?" masama ang tingin na tanong niya.

Napaawang ako ng labi nang ma-realize ko kung anong tinutukoy niya. "Ang init eh." tugon ko.

"Anong mainit? Eh napakadaming aircon diㅡ"

"Ito na nga," at isinarado ko ang jacket ko. "Napaka-conservative eh." bulong ko. Narinig ko naman siyang napatawa ng mahina, malamang narinig niya ang sinabi ko.

Nagpunta kami sa isa pang boutique para muling tumingin ng mga damit. Bigla na lang akong hinila ni Brett sa braso bago pa kami makapasok sa boutique.

"Promise me that this will be the last boutique." sambit niya. He's probably getting annoyed of me, kulubot na kulubot na ang noo niya at halos magdikit na ang kilay niya. Pigil-tawa naman akong tumingin sa kanya.

"I can't promise," tinanggal ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at pumasok na sa loob ng boutique. Natawa ako nang narinig ko siyang mapamura, 'di ba?

Napaawang ako ng labi nang makita ko ang mga damit sa loob. I think I'm gonna lose all my money today.

Ilang minuto pa lang akong tumitingin ng mga damit nang bigla akong hilain ni Brett paharap sa kanya at inilapit ng sobra sa mukha ko ang isang t-shirt.

"Sa tingin mo makikita ko 'yan kung nginungudngod mo sa mukha ko?" sambit ko at idinistansya naman niya ang t-shirt. He was seriously staring at me while holding the t-shirt.

"Suotin mo 'to," utos niya.

I stared at him with my eyebrows knitted, "and why would I?"

Napaawang siya ng labi, "and why won't you? You can't just go walk to the streets normally while peopleㅡor specificallyㅡmen look at you withㅡ" natigilan siya at napairap. "Argh, never mind."

Tinarayan ko siya. "You're overreacting."

Napatawa ako ng malakas nang makita ko ang price. Tumigil ako nang nakakakuha na ako ng atensyon at nang makita kong kulubot na kulubot na ang mukha ni Brett. I seriously looked at him, "are you kidding me? Gagastos ako ng dalawang libo para sa isang t-shirt?"

"C-come on, just wear it," at bigla niya akong hinila papunta sa fitting room at ibinato ang damit sa mukha ko.

"Tss," singhal ko at isinarado ang pinto ng cubicle. Humarap naman ako sa salamin at inilagay sa harap ko ang damit ko.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now