10TH

45 15 8
                                    

Ysa's

Time flies so fast that today is already the first day for our midterms. My mind was full of books last week and now that I'm gonna apply everything I've studied, I hope it goes well.

Nagbabatuhan kami ng mga tanong ngayon ni Brett at pareho naming nasasagot ang tanong ng isa't isa, habang si Nico naman ay naglalaro lang sa cellphone niya. Hindi ko alam kung may pake ba talaga siya sa grades niya pero sabi naman niya ay nag-aral siya kagabi.

Brett spoke nothing after that incident. He knew how to respect my privacy and I'm glad that he is an understanding person even if he's annoying all the time. I appreciate him.

Dumating na ang proctor para sa una naming exam kaya't bumalik kaming lahat sa aming pwesto. Agad namang itinago ni Nico ang cellphone niya dahil ayaw ng professor na ito ng cellphone sa klase. Nagpanggap naman siyang nagbabasa at palipat-lipat lang ng page kahit hindi naman kapani-paniwala sa kanya. Nakaka-stress siya.

"Good luck," sambit ni Brett at ngumiti. Kung dati, halos isumpa ko na si Brett sa ugali niya, mabait naman pala siya. Sadyang parehas lang kami na may side na nakakairita talaga.

"Good luck din," at nginitian ko rin siya pabalik. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat nang bigla niyang pisilin ang kanang pisngi ko. Nginitian lang niya ulit ako at umalis na. I smirked, tss.

Umupo na ako sa pwesto ko at huminga ng malalim. Napatingin ako sa harap ko ngunit biglang dumaan si Folke sa harap ko at ngumiti kaya bigla akong napasinghap ng hininga. Hindi kaagad ako nakapagreact.

His smile flashed in my mind. It seriously looks like his smile. His smile when he's with me, and not with someone else.

Bigla naman akong napailing dahil sa inis. Ysa, he's just a friend. He's not him, it's highly impossible, okay? Take note of thatㅡ

"Miss Suarez!"

Napagitla ako dahil sa sigaw ng proctor namin. Nakatayo pala siya sa harap ko at hawak-hawak ang mga test paper. Padabog niya akong binigyan ng isa at umalis para ipamigay ang ilan pa. Yumuko ako sa kahihiyan dahil nakatingin ang lahat ng kasama ko sa akin.

"What's the matter?"
"Okay ka lang?"

Napaangat ako ng tingin nang sabay na magtanong si Brett at Folke. Napatingin din sila sa isa't isa at sabay din na ibinalik ang tingin sa akin. I was trying to say something but I can't utter a word. Hindi ko alam kung sino ang una kong sasagutin. Buti na lang at nag-announce na ang proctor na simula na ang exam kaya't nawala ang atensyon nila sa akin.

That was awkward.

---

It took me an hour before finishing the exam, leaving an hour of vacant before the next exam. Hindi pa ako masyadong maka-focus dahil hindi maalis sa isip ko yung nangyari kanina. It's bothering me and I don't know why. It didn't thankfully bothered me at the time of the test.

Nagulat ako nang makita ko si Brett sa gilid ng pinto pagkalabas ko ng classroom. He was resting his back on the wall with his legs crossed and his hands in his pockets. Katabi niya si Nico at nag-uusap sila.

Napatigil sila sa pag-uusap nang mapansin ako ni Nico. Sinenyasan niya si Brett at sunod din naman siyang napatingin sa akin. They walked towards me and Nico put his arm on my shoulder.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now