13TH

42 14 0
                                    

Ysa's

The next days were hard for me because Nico was avoiding us. Ni hindi kami nagkakatagpo sa buong campus kahit na parehas kami ng degree program. Sinubukan ko na rin siyang puntahan sa gymnasium pero hindi ko siya naaabutan do'n.

Tinanong ko na si Brett kung galit ba siya sa kanya dahil baka 'yon ang dahilan ng pag-iwas niya pero ang sabi niya ay hindi. He didn't looked like he cared about him anyway. Ni hindi niya sinubukang hanapin siya dahil ako 'yong palaging nagtatanong kung nakita niya si Nico.

I didn't know if it was appropriate to act this way dahil lagi ko siyang sinusungitan, but what I don't like among people is how they leave you without even knowing the reason. 'Yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat and it's seriously bothering me.

"Have you seen Nico?" tanong kong muli kay Brett pagkapasok na pagkapasok ko ng room.

"For the nth time..." bumaling siya sa akin with his dull eyes. "...no."

"Can't you atleast find him?" inis na tanong ko. Isang linggo na akong ganito at hindi man lang siya tumulong sa akin kahit na nakikita niya kung gaano akong naf-frustrate dahil dito.

"Why would I?" tugon niya habang may sinusulat sa notebook niya.

Hindi ako nakasagot. Wala talaga siyang pakielam.

Dahil sa inis, hinablot ko mula sa kamay niya ang ballpen at padabog itong ibinagsak sa mesa ko. Bumaling siya sa akin nang masama ang tingin at humarap sa akin. Isinarado niya ang kanyang notebook at ipinagkrus ang braso niya.

"Here," at nagkibit-balikat siya. "What do you want me to say?" halata ang pagka-sarcastic sa tono niya.

I scowled. "You don't really care, do you?"

Hindi siya sumagot. Instead, kinuha niya ang ballpen niya sa kamay ko at nagpatuloy sa pagsulat ng kung ano mang sinusulat niya.

Napairap ako. He is seriously good at annoying me everyday.

Buti't dumating na ang professor namin at napunta ang atensyon ko sa discussion. It was a good distraction, except for the part that they're talking fastly. Natapos ang lahat ng klase ko ngayong araw nang hindi ako nakapagsulat ng notes dahil ang bibilis ng mga discussion.

Bakit ba kasi sa amin pa napunta 'yung mga professor na sobrang bilis magsalita?

Tatayo na sana ako nang matapos kong iligpit ko ang lahat ng gamit ko nang biglang may maghagis ng bukas na notebook sa desk ko. Napaangat ako ng tingin sa kung sinong naglagay nito rito pero likod na lang niya ang nakita ko bago siya tuluyang makalabas ng room.

I thought it was Brett.

Kinuha ko ang notebook at tumakbo palabas. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nang makita ko siya ay agad ko siyang hinabol. He was walking quickly and I can't catch up because of my not-so-long legs. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang hinarang habang hinahabol ang hininga.

"Ysa?" takang tanong niya. Napaangat ako ng tingin.

"Folke?" takang tanong ko. I was expecting someone else. "W-why did you give me your notebook?"

"I thought you needed notes. Napansin kong hindi ka makasunod sa discussion." he awkwardly smiled. "Just take it."

Agad akong umiling. "It's alright. The powerpoint will be sent anyway."

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now