8TH

49 15 2
                                    

Ysa's

"I want you to make a research about the relation of psychology to business. The deadline is next week, class dismissed."

'Yan ang dahilan ng pagmamadali kong lumabas at pagpunta sa coffee shop. Thank goodness, 'yon ang huli kong klase para sa araw na ito. I still have a lot to do and all of their deadlines are next week too. I came up to this research first because it will take a lot of time for me to finish this.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng magandang topic nang biglang may tumawag sa akin. Inis ko naman itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ito.

"Where are you, dummy?"

"Coffee shop, homer."

"Why homer? That's lame for a good name of mine, Nico.."

"Kasi mahilig kang mang-home run..?"

He laughed so hard, guilty eh. "How did you know that? Nasisiraan ka na yata ng ulo."

"Tss," pagsinghal ko at pinatayan siya ng tawag. I am not in the mood to deal with him, this research is giving me too much pressure.

"Good morning, world!" sigaw ng pamilyar na boses sa kalagitnaan ng katahimikan kasabay ng pagtunog ng wind chime. Oh my gosh, nakakahiya na talaga siyang kasama minsan.

Dali-dali naman siyang nag-slide papunta sa pwesto ko na akala mo'y yelo ang sahig at pabagsak na umupo sa upuan sa harap ko. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng impact.

"Bakit ka nandito? Nakakahiya ka," I asked, without throwing a single glance to him. Nakayuko na ako habang nagbabasa dahil ramdam ko ang masasamang tingin ng mga tao sa paligid namin.

Umayos siya ng upo at ipinantay ang mukha niya sa mukha ko. "We're groupmates, dummy."

Isinara ko ang laptop ko at tinitigan siya. "I'm not aware that there are groups."

He got his phone out of his pocket and showed me a message. It was a text from our professor, saying that we are all grouped by threes. Hindi niya sinabi kung sino ang isa pa naming member dahil direkta lang niyang sinabi na ka-grupo ko si Nico.

"Bahala na kung hanapin tayo ng isa pa nating membro." sambit ko at ibinalik sa kanya ang cellphone. "You do know most of our blockmates doesn't care about their grades, right? Well, most of them are still childish."

"Hindi sila tamad, you're just grade-conscious." and drank my cup of cappuccino. Aba'tㅡ

"No, sadyang masipag lang ako."

"Grade-conscious."

"Masipag."

"Gradeㅡ"

"Excuse me," naputol ang pagtatalo namin nang bigla may magsalita. "Are you Ysa?"

Napatulala naman ako nang makilala ko siya. Siya 'yung kasama ni Syndy noong isang araw. He looks like him and he even sound like him... but it's impossible, his grave was there.

Hindi pa rin ako makasagot dahil nakatitig lang ako sa kanya. Nagtataka na siya sa akin but gosh.. I miss that brown eyes, perfect-shaped nose and natural pinkish lips.. I miss that face.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now