36TH

24 1 0
                                    

A/N: Salamat sa mga nagbabasa pa nitong librong 'to! Happy reading! ♡

Ysa's

Nico Samson: Hey, dummy! Let's catch up tonight, I have time. ;)

I dressed up as soon as I received Nico's message. I wore a black bodycon cutout dress paired with a black ankle boots. Tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta, kaya't niyaya ko siya sa isang bar. I suddenly had the urge to get drunk for one night.

"Puyat na puyat?" bungad ni Nico sa akin pagkasakay na pagkasakay ko sa kanyang kotse. He was wearing a beige turtle neck shirt underneath a black leather jacket, black jeans and black ankle boots.

I only rolled my eyes at him as a response and buckled up. Napailing na lang siya at nagsimula binuhay ang makina. By the time that he began to drive, he babbled about various things that happened to him during the final days of our second year. Since hindi kami magkasama noong mga panahong 'yon, naikwento ko na rin ang mga nangyari sa akin noon. I found our conversation amusing, because I know that he is a friend.

Not until he mentioned this.

"Kumusta pala kayo ni Brett?" walang kamalay-malay niyang tanong. Lumingon pa siya sa akin saglit upang tapunan ako ng isang nakakalokong ngiti upang asarin.

Bwisit talaga itong lalaking ito, ang galing pumili ng timing.

"What kept you busy from these past few days?" tanong ko, iniiba ang topic.

Natawa siya ng mahina. "Unfortunately, a girl."

I snorted. "Hindi na nakakapagtaka," I replied, deadpan.

Napangisi siya. "She's cute... yet wild," saad niya, ibinulong ang mga huling salita.

"Bawal 'yan," natatawang tugon ko.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko, ngunit unti-unti itong naglaho at napalitan ng gulat. "It's not what you think."

Napa-ismid ako. "As if I'm wrong, homer."

"Oh, shut up," tugon niya, halatang napipikon na.

I literally followed him and giggled. Hindi nagtagal ang biyahe dahil nakarating kami agad sa isang resto bar. Ito ang napili kong puntahan dahil for some reason, gusto kong tahimik na maglasing. I didn't want to meddle with other people. It was very unlikely for me, as a person who's allergic to silence; Yet for now, all I want is to settle with it.

Kumain muna kami ng hapunan bago nagsimulang uminom ng iba't ibang alcoholic drinks. Sinadya talaga naming damihan dahil kagaya nga ng sabi ko, gusto kong magpakalasing.

Vodka was the next in line for the both of us. I stopped midway from drinking it when I realized something. Natawa at napasapo ako dahil dito.

"Kumain pa tayo, isusuka rin naman natin 'yun kinabukasan," I told Nico.

He stared at each of the bottle of alcohol for a second and guffawed. "This is a hangover-free drink, you know."

I furrowed my brows. "It's not totally free, it's just the least likely to give a hangover.

Umiling siya at saglit na uminom bago magsalita. "It's hangover-free." He even made a gesture of wiping something when he said that.

Ngumisi ako at inilabas ang aking cellphone. "Si Google lang ang makakasagot niyan."

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now