17TH

29 3 0
                                    

Ysa's

My conscience did not leave me from the past few days so I decided that we should go, even though I don't want to. Mahilig ako sa beach pero hindi ako mahilig sa team building activities. It will only exhaust the hell out of me. Siguro tatakas na lang ako kapag magbabanat na sila ng buto.

The day came and Nico volunteered to fetch us. Sabi niya, boring daw na bumiyahe mag-isa kaya ito. Ang sabihin niya, wala lang siyang kadal-dalan. Kung hindi lang talaga siya mabait sa akin, matagal ko nang nilagyan ng duct tape ang bibig niya.

Nakapaghanda na ako ng madaling-araw pa lang dahil 1 hour before ay dapat na nando'n na kami. Medyo malayo ang resort kaya ganito kaaga akong gumising. After checking all of my things, nakarinig ako ng mga busina sa labas. I bet it's Nico.

Nang makalabas ako na dala-dala ang mga gamit ko ay bumubusina pa rin siya. This brat, hindi makapag-antay. Buti't nasa isang business trip ang Kuya ko, kung hindi, nabugbog na siya. Oh, pwede nga rin pala siya bugbugin ng mga kapitbahay namin.

"Ang ingay mo!" I shouted when I he kept on honking even though I was already outside of his car.

Binaba niya ang bintana ng kanyang kotse. He was smiling with his shades on. "Hop in."

"Kina-cool mo na 'yan?" I sarcastically asked at tumango naman ang makapal ang mukha. "Can you just... help me here?" itinaas ko ang gamit ko para makita niya at agad naman siyang napababa. Tss.

Pumunta ako sa compartment ng kotse niya at agad naman niya itong binuksan. It was full of cartons and a fully-packed bag, there was no more space to fill.

"You can put it inside," he commented and closed it.

"Ano'ng laman ng mga 'yon?"

"Food."

Napaawang ako ng labi at napasapo sa noo. We will only spend two days and one night in the resort, tapos gano'n karami ang dala niya? It was at least six big cartons, at mukhang punong-puno pa. Balak ba niyang pakainin lahat ng blockmates namin?

He chuckled because of my reaction. Napairap ako sa kanya. Kaya pala malaking sasakyan ang dinala niya, para mas maraming pagkain ang madala niya. Sabagay, maya't maya nga pala siyang naghahanap ng pagkain. He's unbelievable.

Instead na sa compartment ko ito inilagay, isinama ko na lang ito sa loob. Bubuksan ko sana ang pinto sa backseat pero sinabihan niya ako na sa shot gun seat ako. I just followed him, ayoko ring may makatabing iba. Baka may iba pa siyang kasama eh.

Ako pa lang pala ang sinundo niya. He started the ignition and went on our way.

Nangunot ang noo ko nang medyo pamilyar ang pinasukan naming subdivision. Napatingin ako sa isang bahay, bahay niya 'yon. It hasn't changed for months, gano'n pa rin ang itsura ng bahay. It's not just a house, it's a mansion. Marami pa ring halaman sa paligid nito at malaki ang gate. I wonder why it has to be this big when they only have a small family.

I was taken aback when we stopped in front of the house. Nalilito akong napatingin kay Nico. "W-what are we doing here?"

"Sabi ni Folke, sasabay daw siya sa atin dahil sira raw ang sasakyan niya." pinanliitan niya ako ng mata. "Why? You look bothered."

"Folke?" he nodded. "As in, Folke Yancey?" he nodded once again. Napasapo ako sa noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga naiisip ko.

How can he do him a favor when they're not yet in good terms? Ang gulo nila!

Napatingin ako sa labas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. There was Folke, holding his things. I felt a stab in my heart as I saw him in his face.

Ferocious Affection (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant