29TH

21 3 1
                                    

Ysa's

Nagising ako sa haplos na naramdaman ko sa aking ulo. I looked up to Brett who was smiling at me while continuously doing that. Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit tinawanan lang niya ako. Binatukan ko nga. Nakaka-asar, ginugulo niya buhok ko e!

"Good morning, ah," I sarcastically said and tucked some of my hairs behind my ears.

Napahawak siya sa kanyang batok at muling tumawa. He offered me a paper bag of cashew nuts, which he bought from the airport a while ago. Umiling ako kaya't sinamaan niya ako ng tingin habang sumusubo ng isa.

"Bahala ka r'yan, wala kang mani." he even made face na parang isang batang talo sa isang asaran kaya't wala nang masabi.

I rolled my eyes. "May mani na naman talaga ako."

"Whatㅡ" sinamaan niya ako ng tingin nang mapagtanto niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Ysa!"

I laughed at his reaction, ngunit agad din na napatigil nang may mapagtanto. "At saka, hindi mani 'yang kinakain mo, kasoy ang tawag d'yan. Palibhasa laking States, kaya bonak mag-Tagalog."

He chortled. "Napakasama mo talaga sa 'kin, 'no?"

"Scam ka kasi," I let out a fake smile. "Scam."

The scam that I'm talking about is his personality. Mali ang binibigay niyang first impression sa mga taong nakikilala niya. You will think that he's serious and intimidating at first, but he's really childish and talkative. He told me that it's because he's already comfortable around me, comfortable enough to walk around topless.

Just like now.

"Pwede bang magsuot ka ng pantaas?!" I exclaimed as I tried to stick my eyes on the movie from Netflix playing on the TV screen.

He chuckled and sat beside me. Naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang braso sa backrest ng sofa at hinaplos ang buhok ko. Agad akong napalayo nang makita ko sa peripheral vision ko na wala na pa rin siyang suot na pantaas. Muli siyang napatawa at tumayo na upang kuhain ang damit at suotin ito.

Thank goodness, nakaka-distract kaya 'yung abs niya! Baka bigla ko siyang sugurin d'yan e.

"Where do you want to go today?" he asked and handed me a cup of coffee.

"Kahit saan, basta kasama ka." I heard him chortle, so I teasingly nudged him on the chest. "Kilig ka naman!"

He pulled my head towards him until I felt him kiss my forehead. I can't help but to chuckle and hug him. Bigla-bigla na lang talaga siyang nagiging sweet!

"Ipapakagat talaga kita sa langgam," I mumbled as I buried my head on his chest. Matigas siya, pero okay lang. At least I can smell his perfume in this position. I love his perfume, it smells so good and manly! Mas gusto ko pa yata ang pabango ng mga lalaki kaysa sa mga babae.

Walang kamalay-malay akong nakatulog sa kanyang dibdib. Nagising na lang akong nakahilata sa sofa, facing its back rest. As I turned around, something startled me.

"Bwisit ka, Brett! Ang epal mo!" I hissed.

Napahalakhak siya dahil sa reaksyon ko, sa sobrang lakas ay nanghihina at napahawak pa siya sa kanyang tiyan. Patuloy ko siyang mariin na tinitigan ngunit hindi man lang siya natinag.

Kasi naman, nakabungad sa akin 'yung clown mask na ginagamit niya dati when he was still trying to help me get rid of my phobia. Hindi na ako takot sa clowns, pero sino bang hindi magugulat sa gano'n?!

Dahil sa inis, I ran towards him and sat on his lap to tweak his hair. His laughter was replaced by a shriek of pain from my sudden attack. Maya-maya'y tinawanan na lang niya ako at binuhat para ihagis pabalik sa sofa.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now