24TH

28 3 0
                                    

Ysa's

Sa wakas at malapit nang matapos ang academic year na 'to! Onting paper works at finals na lang ang problema ko bago magsimula ang bakasyon. And speaking of paper works, may tinatapos pa akong isa rito sa coffee shop, but not the one where I was spilled by coffee. I don't want another distraction.

I started stretching as soon as I finished the paperwork. Yohoo!

After having a long day, I finally managed to get home. Napakatahimik ng araw ko ngayon dahil walang gumulong Nico at Brett sa 'kin. It seems like we wanted to finish the works with no delays, lagi kasing napapabagal ang pagtapos sa tuwing magkakasama kami. Buti na lang ay may relaxing music pa rin do'n, hindi ako nairita sa kaunting katahimikan.

Bubuksan ko na sana ang gate nang mapansin kong naka-lock ito. Kinapa ko ang sarili ko pati na rin ang bag ko, pero wala akong nahanap na susi ro'n. Gosh, nakalimutan kong nasa bakasyon nga pala si kuya!

Napasapo ako sa noo ko at napabuntong-hininga. Ipinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko at umupo sa sarili kong mga binti. Kailangan ko ng matutulugan, hindi ako pwedeng matulog sa kotse ko. Gosh, I abandoned myself.

"Why are you outside?"

Napaangat ako ng tingin sa sports car na tumigil sa harap ko. Parang ang tagal na muli no'ng huli ko siyang nakita kahit kahapon lang naman talaga. Kailangan ko pa bang sabihin kung sino 'to?

Speaking of him, magmula no'ng nangyari sa steakhouse, nagbago 'yong trato niya sa akin. And that... somehow made me feel sad. He treated me less than special, but his words are still sugar-coated. Talagang hindi siya titigil sa pagpaparamdam sa 'kin ng nararamdaman niya.

Ngumisi ako. "Hindi ba halata kung bakit?"

He chuckled. "Come on, let's get you a hotel room."

Napangiti ako dahil sa suhestiyon niya. But as soon as he smiled, I cleared my face expression. Dapat talagang hindi ako ngumingiti kapag kasama siya e.

"You're not going," I said and got in my car.

I drove to the nearest hotel since may klase ako bukas ng umaga. Actually, wala na naman kaming ginagawa. Busy ang mga professor dahil patapos na ang school year, kaya halos puro free cut kami. May iba rin namang nagbibigay pa ng gagawin, may maipagawa lang. Finals na lang talaga ang hinihintay namin.

Napatingin ako rear-view mirror at pansin kong sinusundan pa rin ako ni Brett. Tss, this brat. Gagawin talaga niya ang lahat, basta masiguro lang niyang ligtas ako 'no? He's eating his own words. It's funny how love make people crazy, wow ha?

Nakarating ako sa hotel nang sinusundan niya pa rin ako. Matapos kong maka-book ng room, agad na akong dumiretso ro'n. Napa-buntong hininga ako dahil ramdam ko pa ring sinusundan niya ako.

Inis ko siyang hinarap. He was just standing behind me. "I'll be fine here," sambit ko. Hindi naman siya sumagot, he was still staring at me blankly. "Umalis ka naㅡ"

"I'll be sleeping here."

"Ano?!" napatakip agad ako sa sarili kong bibig nang maalala kong nasa hotel nga pala ako. "Hindi ka pwedeng matulog dito," I whispered. "Papatayin ako ng kuya koㅡ"

"Sa tapat ng kwarto mo ako matutulog."

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at sa pinto na katapat nito. Oh. Nag-tunog assumera yata ako ro'n ah. Napasapo ako sa noo ko. Gosh, I need some sleep.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now