2ND

108 17 0
                                    

Ysa's

"Why did you do that to my car anyway?" tanong niya matapos kong matanggal ang spray paint sa kotse niya. Napakagaling, ako pa talaga ang pinagpunas niya ng kotse niya!

"Because you left a lot of dust that made my breathing hard last last day," naglakad ako palapit sa compartment ng kotse ko at inihagis ang pamunas sa loob. Nang maisara ko 'yon, isinandal ang kamay ko rito at tumingin sa kanya na ngayo'y nasa harap pa rin ng kotse niya. "Meron akong asthma."

He nodded as a response and looked at his car. Hindi na ito makinang dahil sa paint spray, 'di kagaya noong dati. Nakabawi rin naman ako kahit papaano.

"Sorry about that, pamilyar kasi 'yung mukha mo. So, I slowed down to see your face then I just ran away after that," at pilit siyang ngumiti sa akin at nagkibit-balikat.

"So this is the first time meeting youㅡI mean, meeting me for the second time, huh?" he nodded.

"I'm starting to hate meeting you," mariin ang tinging sambit ko sa kanya. "Lagi mo akong pinapahamak. First was my phone, then next was my asthmaㅡ"

"Sunod ang kotse ko," he cut me off and patted the hood of his sports car. "You're a troublemaker yourself, you're seeking trouble for yourself."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. I know that but he don't have to say that wearing that annoying expression of his!

"I'm just doing the rightㅡ"

"Getting your phone back to you was my only intention. I'm sorry, I didn't mean to awaken your asthma because I didn't know you have one, okay?" bakas ang pagkairita sa tono niya.

"Yeah, whatever. I'm going to my next class," pagpapaalam ko at umalis. Hindi naman siya sumagot kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa auditorium. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong nasa likod ko pa rin siya, "bakit sinusundan mo pa rin ako?"

"I'm going to my next class," he just shrugged and passed by me. Ano bang problema niya?

Kahit nagtataka ay naglakad na lang ulit ako. Kahit sa elevator ay nandoon din siya, siguro sa ibang floor siya. Napakatagal bago makarating sa fifth floor, may mga estudyante sa bawat floor na hinihintuan nito. It has never been that awkward in the elevator until we were left alone.

Nang sa wakas ay makarating na ako sa fifth floor, lumabas na ako ng elevator at naglakad papunta sa auditorium kung saan magaganap ang next class ko. Pasulyap-sulyap ako kay Brett na kasabay ko pa rin sa paglalakad. O..kay?

"What's your degree..." nagulat ako nang binuksan niya ang pinto ng auditorium kung saan gaganapin ang next class ko. "...program."

"Business management," pumasok siya sa loob, medyo marami nang tao. Sumunod naman ako papasok. "Common sense, Ysa. I caught you doing thatㅡ"

Bago pa man siya makapagsabi ng kung ano ay sinitsit ko na siya. Lagot ako kapag may nakarinig sa amin! Tinawanan niya lang ako.

Nang makahanap ako ng upuan sa isang gilid ay tumabi naman siya sa akin. Seriously? Hanggang dito ba naman?

"So you're gonna stick with me all day?" napapairap na tanong ko.

"Sure, why not?" at nang lumingon ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. Ang weird niyang ngumiti.

"I'm not asking you toㅡ"

"I know," pagputol niya sa'kin. "Since I don't have any friends here in this batch yet, I'll start with you."

Ferocious Affection (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora