20TH

31 3 0
                                    

Ysa's

I was glad that semestral break came fastly. 'Yung mga araw na natira bago ang pahinga ay ginamit ko sa pag-iwas sa isa sa dalawang kaibigan ko sa university na umamin sa akin at sa blockmate kong ex-boyfriend ko pala na may selective amnesia. Those last days were really hard for me. Sa tuwing lalapit si ex-boyfriend, iiwas ako agad. Sa tuwing susubukan akong kausapin ni bestfriend, hindi ko siya papansinin. Idagdag mo pa sa kahirapan ang pagiging blockmates naming tatlo.

Sa mga araw na 'yon, si Nico lang ang tangi kong kasama at kausap sa lahat ng tao sa university. He understood how complicated the situation was, that's why he helped me ignore them. Maging siya ay umiiwas na rin sa kanila. Sinabi ko sa kanyang hindi na niya 'yon kailangan gawin dahil kaibigan niya rin naman sila, but he insisted. He told me that I will only be stuck in the situation, so he chose to be on my side for a while. 'Yun pa lang ang pangalawang beses na nakausap ko siya ng matino sa ilang buwang pagkakaibigan namin.

He told me to think about this during the break. The break was already in the midst of its end at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapag-isip ng paraan kung paano ko sila kakausapin. Dealing with people that you don't feel the same for is just hard, you know what I'm saying?

As for Fulvio, meron pa rin akong nararamdaman para sa kanya. But... I guess, that's enough. Kasama ako sa mga taong sumira ng buhay niya. Dahil sa akin, naging si Folke Yancey siya. Dahil sa akin, nagkaroon siya ng selective amnesia. Dahil sa akin, ginawang kasinungalingan ng mga magulang niya ang buhay niya. He even wanted to forget me, and if those reasons are not enough to stop, then what is it for?

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Brett Anderson: Ysa.

Brett Anderson: Please talk to me.

Napabuntong-hininga ako sa messages niya.

Simula no'ng nagsimula ang sem break ay walang araw niya akong hindi chinat. Ayoko naman siyang i-block dahil kaibigan ko pa rin naman siya. Gosh! This is harder than I thought it was.

---

"Homer!" bungad ko pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"What is it again, dummy?"

"Hindi pa rin ako nakakapag-isip ng strategy, ang bilis ng panahon! Bukas na ulit tayo magkikita-kita pero wala pa rin!"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. "Maybe you should stop ignoring them by tomorrow. I think you've had enough time to calm yourself."

"Ano namang sasabihin ko kapag kinausap nila ako?"

"Aba, malay ko! Hawak ko ba 'yang utak at bibig mo, ha?"

Napairap ako, walang kwenta na naman siyang kausap. "Hindi mo na ako tutulungan?"

"Sometimes, you've got to stand up for yourself. Matalino ka naman, marunong ka mag-Tagalog at mag-English, 'wag mo sabihing hindi mo sila maiintindihan?"

Napasapo na lang ako sa noo ko.

Bahala na.

Tomorrow came at totoo nga ang sinabi ni Nico na hindi niya ako tutulungan. Every free cut namin ay hindi niya ako sinasamahan. We both had our own ways. At sa lahat ng break na 'yon, hindi ako kinausap o nilapitan man lang ng dalawa. I can't even see them around, sila na ba ang umiiwas o wala lang sila ngayon?

Ferocious Affection (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon