18TH

32 3 0
                                    

Ysa's

Wala kaming nagawa sa sinabi ng adviser namin dahil wala rin akong malilipatan. Our room was the only room who had space. Kaming dalawa lang sa kwartoㅡwhich was very awkward for meㅡdahil hindi pa dumarating ang isa pa naming kaklase. I wish it's a girl.

Nang makalabas ako ng shower ay wala siya roon. Pumunta ako sa kama ko at huhubarin na sana ang bathrobe nang mapasigaw ako dahil biglang bumukas ang pinto.

"Oh myㅡ" naitali ko agad ang bata de banyo ko nang marinig ko 'yon. "I-I'm sorry," napalingon ako kay Folke na pulang-pula ngayon. Agad naman niyang ini-lock ang pitno at lumabas. My gosh, pahamak siya!

Dinalian ko ang pagbibihis dahil baka may kukunin siya at naghihintay lang sa labas. I wore a simple t-shirt, denim shorts and slippers. Seryoso na tatakas ako sa team building activities dahil wala akong interes do'n. Magpapakapagod lang sila, tapos ano'ng prize? Plastic trophies na pang-picture lang?

When I went outside, my hunch was right. Nando'n nga si Folke at naghihintay. Nginitian lang niya ako at nginitian ko lang siya pabalik bago siya pumasok. It's awkward.

It was already past 8 AM and we still have 25 minutes to roam around. Pumunta ako sa tabing-dagat at umupo sa buhangin. I wore a summer vintage red sunglasses to feel the vibes, the vitamin D feels good.

Sinubukan kong alisin sa isip ko ang mga nangyari kanina. His naked body is seriously bothering the hell out of me, which is very wrong! Hindi ako pwedeng mag-daydream sa taong kamukha ng ex ko! Bakit ba kasi kami pa yung magkasama sa iisang kwarto?

"I don't deserve to be an option!" napakunot ako ng noo. "I deserve more than that!"

What the hell?

I irritatingly removed my sunglasses and looked for the squabble. It was two teenagers. Wala na bang ibang magawa ang kabataan ngayon kaya lumalandi na lang sila? Kung sana'y aware lang sila kung gaano kasakit sa ulo na magkaroon ng love life.

They continued arguing regardless of the people they're disturbing. Seriously? Ang lakas ng loob nilang mag-away in public... kapag nahuli sila ng mga magulang nila, ewan ko na lang talaga.

I was already ready to throw a shell to them while glaring when the girl realized the attention they're getting. Nang makita niya ako ay agad siyang umirap at naglakad paalis. Wow, siya pa ang nainis? Sila na nga ang nakakapang-istorbo?

They ruined my mood.

"They don't want to be an option but they're letting themselves be one."

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. It was Brett, probably annoyed because of the scene. He hates scandalous people because he believes that they are attention-seekers. Tingin ko, naiinis talaga siya sa lahat, ewan ko sa kanya.

"Love makes people crazy," I commented.

"They're still abnormal, stabbed people." natawa ako sa sinabi niya. He seriously sticks to his belief about the abnormality of people in love.

Umupo siya sa tabi ko at muli akong tumingin sa dagat. He was not wearing the proper attire for the team building too, I guess he will also ditch the activities. Nakasuot na naman siya ng poop-colored t-shirt, reregaluhan ko nga siya ng tae minsan, tingnan natin kung matuwa.

"Hey..." napalingon ako sa kanya nang magsimula siyang magsalita. "Do you mind if I stay here with you for a while?"

Napakunot ako ng noo. "Huh?"

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now