Article 2 - Section 41

448 15 1
                                    

Happy New Year Everyone!
Hope we all welcome a prosperous year ahead!

****

Tahimik lang kaming dalawa ni Brent habang nililinis ng nurse ang sugat niya sa kamay. I was thankful that Mommy got out of the court before that commotion happened but she was still so worried nang makitang duguan ang kamay ni Brent pagkalabas namin.

"Babe," mabilis akong napa-angat ng tingin sakanya nang marinig kong tinatawag niya 'ko. Pinanuod kong tapusin ng nurse ang pagbabalot ng benda sa sugat niya bago ako lumapit sa kanya.

He pulled me closer using his uninjured arm and kissed my forehead softly.

"It's alright babe. It would be over soon." Bulong niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. I tried to mirror his smiles but I only resulted into a half smile.

"I had filed a protection order for you and your mom." Kwento niya habang nagdadrive ako papunta sa condo niya. Sandali ko lang siyang binalingan bago ko binalik ang tingin sa daan.

"How 'bout you?" Kunot ang noo kong tanong sakanya.

"Sinasabi ko sayo Brent! Pag ikaw hindi nagfile---" naputol ang sermon ko nang marinig ko ang mga hagikhik niya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Nag-file ka ba para sa sarili mo?" Iritado kong tanong sakanya. He cleared his throat before he answered yes.

"I really love your mataray side, babe." He said followed by another set of chuckles. Inirapan ko lang siya at tahimik na nag-drive papunta sa unit niya.

Agad kaming sinalubong ni Mommy na may nag-aalalang tingin. She was currently staying here with us since mas maganda ang security dito.

"How are you, hijo?" Mommy asked worriedly.

"Ayos lang po. Hindi naman gaanong kalalim yung sugat."

"Sabihin mo masamang damo ka lang talaga," sabay sabay kaming napalingon kay EJ na komportableng naka-higa sa sofa bed namin.

"EJ!" Suway ni Mommy pero natatawa na rin.

"Wow ha? Bahay mo?" Mataray kong tanong pagkalapit ko sakanya at pinalo pa ang hita niya.

"Hmm... Pwede," Ani nito at bumangon para tumingin kay Brent.

"Papa Brent! Ibabahay mo rin ba ako?" Pacute nitong saad bago maarteng inipit ang imaginary hair niya sa tenga. Umakto akong naduduwal bago kinuha ang throw pillow at hinampas sa mukha niya.

"Kilabutan ka nga, Eon!" Tinawanan niya lang ako bago bumalik sa pwesto niya. Narinig ko rin ang tawa nina Mommy at Brent dahil sa kalokohan ng kaibigan ko.

"We ordered food since I doubt that you'll prefer my cooking tonight. Kumain na kayo, tapos na kami ni EJ." Anunsyo ni Mommy.

"Yes! Thanks, My!" Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago lumapit kay Brent at ipinalibot ang braso ko sa braso niya bago siya hinatak papunta sa kusina.

"Subuan mo 'ko," utos niya pagkalagay ko ng pagkain niya sa harapan. Inirapan ko siya bago umupo sa harap niya, not minding his words.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now