Article 2 - Section 10

437 18 0
                                    

"Okay ka lang?" Tanong ni EJ ng mag-kasabay kaming dalawa sa pantry.

"Yeah," matamlay kong sagot habang hinahalo ang kape.

"Nasan si Venus? Bakit ikaw gumagawa niyan?" Tanong niya habang gumagawa na rin ng sariling kape.

"May inutos ako eh,"

"Natutulog ka pa ba? You look so pale." Nag-aalala nitong tanong bago humarap sakin at humigop ng kape.

"I'm fine," sagot ko na lang at nag-paalam na sakanya para bumalik sa opisina ko.

I groaned loudly ng salubungin ako ng tambak na papeles sa table ko.

"Geez! Bakit andaming records ng babaeng 'yon?!" Ipinatong ko ang mug sa lamesa bago umupo sa swivel chair ko at nag-umpisa ng buklatin ang records ni Sheena Sison.

She's just twenty-eight and yet, sandamakmak ang records niya! At ang lahat ay related sa pagiging kabit niya!

Ilang pamilya na kaya ang nasira ng babaitang ito?!

"What?!" Hindi ko napigilang i-react ng makita ang oldest record niya.

She was condemned as a mistress at the age of sixteen!

"God! Ano ba 'tong pinasok ko?!" Reklamo ko habang hinihilot ang mag-kabilang sentido.

Sa ganoong eksena ako naabutan ni Venus.

"Attorney, remind ko lang po na naka schedule ka for visitation kay Mr. Rocco Sison by four." Huminga ako ng malalim bago sinulyapan ang digital clock sa table ko bago siya hinarap at tumango.

"Okay, aalis na ko maya maya." Tumango lang siya at lumabas narin ng opisina ko.

Tinungga ko muna ang kape ko bago ako pumasok sa restroom sa loob ng office ko para mag-hilamos ng mahimasmasan naman ako.

Masama ang pakiramdam ko. But I still have a lot of things to do, and a lot of cases to review kaya hindi pa pupwedeng mag-pahinga.

Sandali kong ipinikit ang mga mata ko at yumukyok sa may lababo.

"Nakakapagod..." Bulong ko kahit na alam kong wala namang nakakarinig.

Gustong gusto ko na lang umuwi at mag-pahinga but aside sa tambak pa nga ang gawain ko ay malamang sa malamang ay hindi rin ako makakapag-pahinga sa bahay.

I heard my mom hosted a tea party with her amigas. Mga kaibigan niyang hinuhuthutan lang naman siya. Two faced bitches, nakangiti pag kaharap siya pero nananaksak pag naka talikod.

Bakit ba ang hirap ng buhay ko?

Isang buntong hininga pa bago ko inayos ang sarili at lumabas na ng restroom. Naabutan ko naman doon si EJ na naka-upo sa sofa.

"Hmm? Need anything?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Naglakad lang siya palapit sakin at ipinatong ang palad niya sa may noo ko.

"You're sick," he said with his forehead creasing with worry. Nginitian ko naman siya bago tinanggal ang kamay niya sa noo ko.

"I have to go, may kakausapin pa ko." Paalam ko sa kanya habang sinusuot ang navy blue coat ko.

"May sakit ka, Arci. Mag-pahinga ka muna. Pasched mo na lang ulit kay Venus yan."

"Wag na. Sinat lang 'to. Kaya ko," I assured him bago ako naglakad palabas ng office ko, pero sinundan niya parin ako.

"Arci," he called out in a warning voice habang nag-papaalam ako kay Venus at nag-iiwan ng ilang utos.

Hindi na ko babalik dito mamaya, maybe I'll book a hotel or something nalang so I can rest. I really should buy a condo na.

"Arci!" Napalingon naman ako sa nang-gagalaiting si EJ na nakasunod parin sakin.

"I'm okay. Promise! Kakausapin ko lang 'to then uuwi na ko." Nakangiti kong sabi sa kanya para mapanatag siya.

"Sasamahan na ki---" Hindi natapos ang sasabihin niya dahil sabay kaming napatingin sa bulsa niya ng tumunog ang phone niya.

He gave me a warning glare before he took out his phone and answered the call.

"This is Attorney EJ Raza speaking." Bati niya sa kausap habang nananatili sakin ang mga mata niya.

"Ngayon na?" Sandali siyang natahimik at nakinig sa kausap habang ako naman ay sumandal sa may pader malapit sa elevator.

"Give me thirty minutes. Yeah, I'll be there." He said before ending the call. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa bago siya muling nag-angat ng tingin sakin.

"Let's go, hahatid muna kita." Ani niya na inilingan ko bago pinindot ang down button ng elevator.

"Hindi na. May nag-aantay sayo." Sagot ko.

"Ihahatid kita," mariin niyang saad sabay ng pagbukas ng elevator kaya hindi na ko naka-angal ng mauna pa siyang pumasok. Napabuga na lang ako ng hangin at pumasok na rin.

"Call me when you're done. Susunduin kita." Ani niya ng tumigil kami sa harap ng presinto.

"Hindi na. I can manage from here, EJ. Hindi ako bata."

"Call me." Mariin niyang ulit na sinang-ayunan ko na lang dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako napapapayag and he doesn't have the time for that. May nag-aantay sa kanya.

Bumaba na ko ng sasakyan niya at kumaway na sakanya bago tuluyang pumasok sa presinto.

"Good afternoon, I am Attorney Alarcon. My secretary scheduled me for a visit with Mr. Rocco Sison." Pag-papakilala ko sa reception officer.

"Sige po Attorney, dito tayo." She said as she stood up and gestured me to follow her.

"Pinasundo ko na po si Sison. Paki antay na lang." Nakangiti nitong saad na sinagot ko rin ng ngiti at pasasalamat bago siya umalis at bumalik sa post niya.

Habang nag-aantay ay nararamdaman ko ang paglala ng pakiramdam ko. Pilit ko lang na iniignora ang pagkahilo ko.

Last na 'to for today, Arci. Fighting!

Pilit kong chine-cheer up ang sarili habang nag-aabang. Hinilot ko rin ang magkabila kong sentido, umaasang maiibsan niyon ang sakit ng ulo ko.

Maya-maya lang ay may pumasok na dalawang pulis na akay-akay ang isang matangkad na lalaki.

Rocco Sison. Accused of Parricide at the age of twenty-five.

"Thank you," ani ko sa dalawang officer na nag-assist sa kanya papasok. Tumango lang ang mga ito bago pumwesto sa magkabilang gilid ng pintuan na hindi kalayuan samin.

"I'm Attorney Rebekah Claire Alarcon---"

"You know Cleopatra's story?" Naputol ang sasabihin ko dahil sa tanong niyang iyon.

"What?" Lito kong tanong sa kanya na mas nagpalapad ng ngiti niya.

"Have you heard about Cleopatra's story?" He repeated which confused me even more.

Masakit na nga ang ulo ko, mas pinapasakit pa lalo ng isang 'to!

"Cleopatra of Egypt?" Sakay ko sa trip niya.

He nodded and stared at my face seriously. His playful smirk earlier was gone without any trace of its existence.

"How about Julius Caesar?" Mas lalo lang akong nalito sa tanong niya.

"Are you a history teacher?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng marinig ang tanong ko.

"No, why did you ask?" Tanong niya pabalik.

"Kala ko history teacher ka. Feeling mo student mo 'ko?"

"What are you talking about?" Lito niyang tanong habang nakakunot ang noo.

"Why are you talking about Cleopatra's life all of the sudden?" Muling nanumbalik ang ngisi sa mga labi niya ng marinig ang tanong ko.

"Remember this Attorney," he said at mas lumapit pa sa lamesa at umaktong may ibubulong sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko.

"Sheena's Cleopatra and my Dad was Julius Caesar."

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now