Article 2 - Section 13

428 15 0
                                    

"Let's talk later, EJ. I'm sorry." Nagmamadali kong paalam sa kaibigan, bago ko hinatak palabas si Brent ng elevator papunta sa opisina ko.

"Good morning Attor---"

"Venus, don't let anyone come in." Putol ko sa bati ng sekretarya ko bago ko binuksan ang pintuan ng opisina ko at itinulak si Brent papasok doon.

"What the hell is that?!" Singhal ko sa kanya ng tuluyan ko ng masarado ang pintuan.

"What?" He asked innocently.

"Bakit mo sinabi kay EJ na boyfriend kita?!" Inis kong sigaw sa kanya. Sobrang pasasalamat ko lang talaga na soundproof ang opisina ko, kundi malamang ay laman na ako ng chismis dahil sa lakas ng boses ko.

"What should I say, then? I'm your fuck buddy? Mas gusto mo ba ang label na yun, Rebekah?" Nakangisi nitong saad habang nakatingin saking nang-gagalaiti sa kanya.

Huminga ako ng malalim habang pinapaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Naiirita ako.

"Ano? Mas gusto mo ba? Okay lang naman sakin." Nakangisi parin nitong saad na mas nag-painit pa ng ulo ko.

Malakas akong napabuga ng hangin habang irita pa ring nakatingin sa kanya na nagawa pang sumandig sa may lamesa ko.

Maya maya lang ay bahagya ko ng naikalma ang sarili kaya naman umupo na ako sa upuan ko habang inabala naman ni Brent ang sarili sa pag-tingin ng mga certificates at trophies ko na naka-display.

"You're really an achiever," wala sa sariling puri niya habang hawak-hawak ang isa sa mga trophy na napanalunan ko sa isa sa mga national debate contest na sinalihan ko noong college.

"Wala kang appointment today?" Tanong ko sa kanya. Sandali naman niya akong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang trophy sa lagayan at muling naglakad palapit sa table ko.

"I have. I just want to make sure that we're cool before I leave." He said while staring at me.

Natulala ako sa ganda ng mga mata niyang nakatitig sakin pero agad ko rin iyong iniwas ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok si EJ na kunot ang noong nagpalipat-lipat ang tingin samin ni Brent.

Oo nga pala, problema ko pa pala ang isang 'to.

Sandali kong binalingan si Brent na agad ring tumingin sakin.

"Go to work na. We're cool," I said smiling.

"Are you sure?"

"Yeah," sagot ko na sinabayan ko pa ng tango para mas makumbinse siya. Sandali niya pa akong tinitigan bago siya tumango at tinukod ang isang siko sa table ko bago niya marahang hinila ang ulo ko palapit sa kanya at hinalikan ako sa noo.

Natigilan ako sa ginawa niya.

That's too sweet, attorney.

"I'll call later, don't forget to eat and drink your meds." He reminded, wala sa sarili naman akong napatango sa mga bilin niya.

Nang makuntento na ay saka lang siya nag-paalam. Nang umikot siya ay agad silang nagkatinginan ni EJ.

They remained motionless for a few seconds before Brent took the initiative to leave the staring game first and went out of my office.

"You have a boyfriend?" Bungad ni EJ sakin ng maiwan na kaming dalawa sa loob ng opisina.

Hindi ako nakasagot agad. Well, I don't know how to answer him, so I just shrugged my shoulders as I avoided his gaze.

"What was that supposed to mean?" He asked as he walk towards my table.

Huminga ako ng malalim bago binitawan ang mga papel na hawak ko at hinarap siya. Agad kong nasalubong ang naka kunot na noo nito.

Fine. Boyfriend it is!

"Yeah," parang wala lang na sagot ko sakanya.

"Since when?" Gulantang nitong tanong sakin.

"Kahapon lang,"

"Kahapon?!" Napatakip ako ng tenga dahil sa galit niyang sigaw.

"Do you really need to shout?!" Inis kong reklamo sa kanya.

Natigilan naman siya bago pumikit ng mariin, pilit na kinakalma ang sarili.

"I was staying up all night looking for you, and you're just going to tell me that you're with a man who just became your boyfriend yesterday," tiim ang bagang ni EJ habang nagsasalita.

"How should I react to that?" He asked, his eyes bloodshot. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa galit o dahil kulang nga siya sa tulog tulad ng sabi niya.

"How should I deal with that, Arci?" Hindi ako nakasagot. I felt guilty na nagawa ko pa siyang sigawan.

He looked so tired and haggard. He was also wearing the same clothes he was wearing yesterday.

"I'm sorry," mahina kong saad habang nakayuko.

I couldn't stare at him. Alam kong galit siya dahil nag-alala siya.

The office was filled with silence at tanging ang malalalim na pag-hinga niya lang ang naririnig.

"Are serious about that boy?" napa-angat ako ng tingin ng bigla siyang mag-tanong matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin.

Hindi ako sumagot at taka lang akong nakatingin sa kanya.

Big deal ba talaga yun?

After a few moments of a staring game with him ay tumango-tango siya. Mas kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Okay," he said at pinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya.

"Uuwi muna ko. I'll sleep for a while." mabilis na paalam niya bago siya tuluyang lumabas ng opisina ko.

Napanguso na lang ako dahil sa ginawa niya.

"Hindi man lang nagba-bye..." bulong ko bago tinawag si Venus para sa schedule ko sa araw na iyon.

"Thank you," I told her after she briefed me on my schedule.

"No problem Attorney." Nakangiti niyang sagot at tumalikod na.

"Ay! Attorney, I'll order for your lunch na po pala, para mainom niyo po yung gamot niyo on time," balik niya sakin na ikinagulat ko.

"Gamot?" taka kong tanong sa kanya.

"Opo, Attorney Hernandez told me to order you early lunch para daw mainom niyo nyung gamot niyo," nakangiti nitong sagot sakin. Sandali lang akong nagulat bago tumango sa kanya at sinabi ang gusto kong kainin.

Pag-kalabas ng sekretarya ko ay kunot ang noo kong kinuha ang cellphone ko sa bag at ang powerbank ko sa drawer. I opened my phone habang nakasaksak sa powerbank at akmang tatawagan siya ng biglang mag-vibrate ang phone ko.

'I asked your secetary to order food for you. I'll call later to check kung uminom ka na ng gamot.'

Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa message niya ng ilang segundo bago ito muling mag-vibrate at dumating ang isa pa niyang message.

'I don't want my girlfriend sick and hungry :*'

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now