Article 2 - Section 15

405 15 9
                                    

"Dad," bati ko kay Daddy at marahan pang humalik sa pisngi niya bago dumiretso sa upuan ko sa mahabang hapag. I don't know what's up but my mom called me earlier to inform me about this supposed to be "family dinner".

"You're a bit late, hija," puna ni Daddy habang sineserve ng mga katulong ang pagkain sa harapan namin.

"I'm sorry, Dad. I just came from a meeting with a client," paumanhin ko na tinanguan naman niya. Agad namang nag-tagpo ang mga mata namin ni Mommy na naka-upo sa may left side ni Daddy.

Dad occupied the usual place for the family head, while my mom was seated on his left, Tita Arlene on his right. Nakaupo naman ako sa tabi ni Mommy, kaharap ang bruhildang Fryje na naka-upo rin sa tabi ng nanay niya.

"How's work hija?" Dad asked.

"I'm doing great Dad! My mentor told me---"

"Not you Fryje," Usal ni Dad na pumutol sa mga kwento niya. Agad naman akong nilingon ni Daddy at ngumiti sakin.

"How's work hija?" ulit ni Dad. Ngumiti naman ako sa kanya at agad na sumagot. Siniguro ko ring nababanggit ko ang big clients ko na siguradong kilala niya.

"That's great to hear dear," he said affectionately which made me smile.

"Kala mo naman wala pang talo, eh arson na arson lang hindi pa mapanalo," malakas na bulong ni Fryje na hindi nakaligtas sa tenga ni Dad.

"What are you talking about, Fryje?" kunot noong tanong ni Dad.

"One of my paralegal friends told me that our dear Arci, finally got her first defeat on court," she said smiling sweetly.

"Is that true, Arci?" Pakshet. Agad kong naramdaman ang panlalamig sa tono ni Dad kaya napayuko ako bago tumango.

"What case?"

"A-arson, dad," naipikit ko ang mga mata ko ng marinig ko ang matinis na tunog ng pag-bagsak ng kutsara at tinidor ni Dad sa plato niya.

"Not even a big case. Just arson? Rebekah Claire, what's wrong with you?!" agad kong ikinumo ang mga palad kong nag-umpisa ng manginig dahil sa sigaw ni Daddy. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon noong bata ako na takot na takot akong umuwi kada hindi ko mapeperfect ang quizzes at exams ko dahil mapapalo ako ni Mommy for not meeting Dad's expectations.

"Dad, the case wasn't orginally handled by me. Pinasa lang sakin ni JD yun, it's already on the losing stage when I took over," pagdadahilan ko.

"But that's not what I heard from my friend. Ang sabi sakin ay maganda daw ang laban ng kliyente mo noong una?"

Tang-inang yan! Sino ba yang kaibigan mo ng mabura ko ang nguso?

"Are you sure? Sino ba yang source mo na yan at hindi man lang nakapagsabi sayo na last minute na ang handing over namin ni JD dahil may urgent case siya kaya hindi na ako na-brief sa kaso?" Taas kilay kong baling kay Fryje na hindi na nakasagot.

"Is that so? Hindi parin maganda ang ganoong record Rebekah. Make sure it won't happen again." ani ni dad na tinanguan ko lang. After that ay bumalik na kaming lahat sa pagkain. Tahimik lang ako buong hapunan at sumasagot lang sa tuwing tatanungin ni Dad.

Pinipilit ko na lang ring ubusin ang pagkain sa pinggan ko kahit nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari kanina. Just a few more sermons and Dad let us go home. Mom had to hitch a ride with me dahil pinasundo lang daw siya ni Dad kanina sa bahay.

"Ano yang arson na yan? Bakit talo? Tingnan mo tuloy naisahan ka pa ng bruhildang kapatid mo!" patuloy na dakdak ni Mommy habang naka-upo siya sa passenger seat. Huminga nalang ako ng malalim at nag-concentrate na lang sa pag-dadrive.

"Kung anu-ano kasing pinaggagawa mo kaya hindi mo na natututukan ang trabaho mo! Ang lamig lamig ng trato ni Kiko sakin kanina! Malamang ay dahil diyan sa---"

"Mom! Please! Pagod ako, bukas na lang yang armalite mo," putol ko sa kanya at pinark na sa tapat ng gate namin ang sasakyan.

"Sige na po My, baba ka na po," ani ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.

"I-ikaw b-ba?" nananatya niyang tanong sakin.

"I needed to go back to the office pa po," sagot ko sakanya at nginitian siya. She stared at my face for a while before she nodded and went out of the car. Sandali pa siyang tumigil sa may gate at kinawayan ako bago tumalikod at naglakad papalapit sa gate namin na agad namang binuksan ng guard. Pinanood ko muna siyang makapasok ng tuluyan bago ko muling pinaandar ang makina ng sasakyan at pinaharurot paalis.

Paulit-ulit kong inuntog ang ulo ko sa manubela ng sasakyan ko.

Bakit ba dito ako nag-punta?

Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili, hinablot ko ang bag ko mula sa backseat at lumabas ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pupuntahan ko ay dito pa sa condo ni Brent. Nginitian ko ang operator ng elevator na ngumiti rin pabalik sakin.

"Floor number ma'am?" Tanong nito sakin na agad ko ring sinagot.

"Have a nice evening ma'am!" paalam ng operator na nginitian ko lang.

2320

Titig na titig ako sa unit number ng condo niya pero hindi ko magawang pindutin ang buzzer sa gilid ng pintuan nito. Anong sasabihin ko? Bakit ako nandito?

"Arci naman kasi, bakit ka ba pumunta dito?!" irita kong bulong sa sarili. Pagod na ako dahil buong araw akong on field sa pagka-usap sa mga kliyente ko, tapos sinabayan pa nina Mommy at Daddy kanina.

I just wanted to rest. Pero bakit ba dito ako nag-punta? Pwede naman kayna EJ na lang, pero bakit ako dinala dito?

"Ang gagong Trek naman kasi, bakit dito mo 'ko dinala?!" I muttered to myself.

"Who's Trek?" nanlalaki ang mga mata akong napa-ikot at sinalubong ng kunot na noo ni Brent.

"B-brent..." nakakunot ang noo niyang tinitigan ang mukha ko bago sinuyod ang kabuohan ko.

"Who's Trek?" ulit niya habang binubuksan ang unit niya. Nang bumukas ito ay pina-una niya akong pumasok bago siya pumasok at sinarado ang pinto.

"Late ka na naka-uwi?" parang tanga kong tanong sa kanya habang niluluwagan niya ang necktie niya at tinupi hanggang siko ang puting dress shirt na suot.

"I just finished some paperworks kaya na late. Ikaw? San ka galing?" tanong niya sakin bago sumandal sa pader at ipinasok sa mag-kabilang bulsa ang kamay.

"Ahmm, may family dinner kasi kami kanina..." yun lang ang nasabi ko at agad na nanubig ang mga mata ko ng maalala ang dismayadong itsura ni Dad habang nakatingin sakin kanina.

Nagulat ako ng umayos siya ng tayo at malapad na ibinuka ang mga braso niya. Agad akong napatayo sa pagkaka-upo sa sofa at tumakbo palapit sakanya para yumakap. I immediately felt his warm arms around my body, ramdam na ramdam ko ang init na dala ng yakap niya.

Hindi ako yung tipong iyakin pero pakiramdam ko lang kasi ay pagod na pagod ako ngayon. Kaya hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako sa may dibdib niya. Naramdaman ko ang marahang pagtaas-baba ng palad niya sa likod ko.

It felt good.

I felt comforted.

Kaya mas lalo akong naiyak.

"Shhh, babe. It's okay. I'm here," he whispered as he hugged me tighter.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now