Article 2 - Section 36

425 14 0
                                    

I just can't believe all the gibberish that escapes her mouth. Her husband just died, not to mention that her daughter was the prime suspect for it, and she still had the ability to talk bad about Rebekah and her mom?

"Fryje was lucky to have you by her side, hijo. Matapos lang talaga ang gulong ginawa ng mag-inang iyon ay aasikasuhin na natin ang kasal niyo." she said smiling.

Hindi ako nananakit ng babae, lalo na ang halos kasing edad lang ng Mommy ko pero ang sarap lang kaladkarin ni Tita Arlene papunta sa correction. Mag-sama sila ng siraulo niyang anak doon!

How dare they ask me to defend her on court? Sinira niya ang relasyon namin ng kapatid niya and yet she expects me to side with her? 

"Tell me honestly Tita, did Fryje really tried to kill her dad or even her sister?" I asked as I subtly pressed the recorder button under my table. This might be crucial evidence soon.

"Of course not!" mabilis at defensive ang pagkakasagot nito.

"Wag kang nagpapaniwala sa sinasabi ng mag-inang iyon! They just wanted Kiko's money kaya ganoon, who knows? Baka nga sila pa ang pumatay sa asawa ko!"

"That's a ground for serious accussations, Tita." suway ko sa kanya pero binalewala niya lang.

"Anyways, hindi si Fryje ang gumawa noon---"

"Then was it you?" sandali siyang natigilan bago inayos ang sarili but her reaction was more than enough for me to know what truly happened. All I need now is evidence.

"Of course not! Paano ko magagawa sa asawa ko iyon?! At sinabi ko na kanina! Baka ang mag-inang iyon ang may gawa." pilit niya pero ipinagkibit-balikat ko lang iyon. I'm more than experienced watching these types of statements.

Trying to push all the blames to somebody else, while the true culprit get away unscathed. Those type of people is my some sort of enemy. I work hard to ensure their eviction from society. Kung pababayaan lang ay maghahasik lang ng kasamaan at paulit-ulit lang na manlalamang at mananakit ng ibang tao.

"Alright. I have an upcoming hearing, Tita. I'll have to ask you to leave. Sorry." kunwari at pasimple kong taboy rito.

"Oh! Of course. I know you're busy. I won't waste any of your time now. See you soon, hijo." paalam niya bago tuluyang lumabas ng opisina ko.

"Attorney," Faye was smiling as she greeted me. Kagagaling ko lang sa isang hearing and I'm not in favor where it was leading kaya naman medyo mainit ang ulo ko. She should know that since kabisado na niya ang timplada ko sa loob ng ilang taong pagtatrabaho sakin.

"What is it?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"May bisita po kayo." she said still smiling which made me even more confused.

"Sino?"

"Pasukin niyo na lang po." nagulat ako sa sinabi niya. Faye is an excellent secretary. Alam niyang ayaw kong nagpapapasok ng kung sinu-sino sa opisina ko, and she just let this somebody stayed inside. Who can it be--- mabilis ang mga hakbang na ginawa ko ng marealize ko kung sino ang tanging taong nakapasok na sa opisina ko kahit wala ako roon.

Ilang segundo ko ng hawak ang door knob pero hindi ko magawang pihitin pabukas. Paano kung hindi pala siya? I would be so badly disappointed then. Ilang buwan na akong nagtitiis na panoorin lang siya mula sa malayo. I can't even believe that I've been stalking her for almost half a year, but that's the only thing I could do to keep my sanity intact.

I promised her Dad to give her space and time to think. Si Tito Kiko lang ang nakakusap ko para tanungin kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya, saan siya pupunta at kung anu-ano pa. And after the incident, I was there with her on the hospital. Gustong gusto ko siyang lapitan lalo na ng makita ko ang malungkot niyang mga mata habang yakap yakap niya ang Mommy niya.

She was grieving and yet you can't see any threatening tears on it. She was hiding once again. I wanted to go to her, to embraced her tight and tell her everything would be alright pero I stopped myself. 

Ang sabi ni Tito Kiko ay oras ang magsasabi kung pwede na kami. And I knew right then na hindi pa. Hindi pa namin oras. Nagawa kong magpigil noon pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung makikita ko siya sa loob mismo ng opisina ko.

I took a deep breath and with much difficulty opened the door. Naabutan ko pa ang pasimple niyang pagpupunas ng luha at pag-upo mula sa pagkakahiga sa couch. I stopped myself from smiling after seeing how comfortable she is around my office.

I tried so hard to maintain a straight face while we were talking. I didn't want to scare her for making a sudden move after months. We'll take it slow now. Masyado nga atang mabilis ang paraan namin dati, kaya ngayon ay sisiguraduhin kong babalik siya sakin. Mabagal man atleast ay sigurado.

"Represent me and my dad on court," nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata  niyang nakatingin sakin.

"Why me? You have your friends, Rebekah. EJ and JD are good lawyers, too." I was actually about to volunteer myself tomorrow babe. Naunahan mo lang ako.

"So you're going to represent her on court? Alam kong baliw na baliw ka sa babaeng yun, Brent. Pero tang-ina naman! Dalawang taon tayong magkasama! Pinatay ng babaeng yun yung tatay namin!" Agad kong naramdaman ang sakit ng mga salita niya. She really thought I never loved her? Hindi ko ba naiparamdam sa kanya yun?

"Why are you making me take this job in the first place?" agad kong pinagsisihan ang lamig sa tono ng pagkakatanong ko nang makita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"Are you taking her side again? Sa ganitong sitwasyon ba, balewala lang yung dalawang taong pinagsamahan natin?"

"Rebekah walang koneksyon 'to sa nangyari---"

"Meron! Brent! Meron! Kakaayos lang namin ni Daddy! After I lost you to her, naayos kami ni Daddy! Ang sabi ko okay na. Okay lang. Pinipilit ko tanggapin yung kagaguhang ginawa niyo sakin. Pero bakit pati si Daddy kinuha niya rin sakin? Kinuha ka na niya! And now pati si Daddy kinuha narin niya sakin!" basag ang boses niya ng isigaw niya yun. The urge to hug her for comfort was strong pero mas gusto kong mailabas niya lahat ng sama ng loob niya.

I was not taken babe. Sayo parin ako. Sayo lang ako.

"I am losing everything I love because of her. Masama bang hilingin na makaganti man lang sakanya? Kasi sa totoo lang gusto ko rin siyang patayin! Gusto kong gawin sa kanya yung ginawa niya kay Daddy. Gusto ko lang na pagbayaran niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya," and just like how my Rebekah always does. She sat on the floor while hugging her knees.

I'll fucking fight for you without a doubt babe.

But I needed to make you talk it all out. Ilang araw ka nang hindi umiiyak man lang. That's bad for you. I feel bad making you cry but this is also for you.

"Now, give me your exact reason why you want me to stand on court on behalf of your father,"

"Honestly?" she asked and I nodded.

"Because that would make her lose her mind," she said as she bravely stared at my eyes. I fought back the urge to smile as I saw my feisty Rebekah back.

That was it.

I'll make sure to make that mother-daughter duo rot in jail, babe.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now