Article 2 - Section 7

436 16 0
                                    

"Good Morning, Mrs. Sison. I'm Attorney Rebekah Claire Alarcon, I'll be your lawyer from now on." Pormal kong pagpapakilala sa babaeng halos hindi nalalayo ang edad sakin.

Mrs. Sheena Sison, a twenty-eight year old, the second wife of the victim, Mr. Rocky Sison.

"Good morning, Attorney," mugto pa ang mga mata nito marahil ay dala ng pag-iyak. Kagagaling lang kasi nito sa libing ng asawa.

"I'm sorry for your lost, Mrs. Sison." Pakikisimpatya ko sakanya na sinagot naman niya ng isang tipid na ngiti.

"I still can't believe na wala na si Rocky," naluluha nitong ani kaya naman kinuha ko ang box ng tissue sa gilid ng table ko at inilagay iyon sa harapan niya.

"Sorry," ani niya habang pinupunasan ang mga luha gamit ang tissue.

Nginitian ko naman ito at tinanguan.

"It's okay, naiintidihan ko."

Sandali ko muna siyang hinayaang kalmahin ang sarili bago ako nag-umpisa sa briefing para sa kasong isasampa namin sa murderer.

"Patricide ang isasampa natin against Rocco Sison," I stated pertaining to the victim's son who happened to be the prime suspect.

"Parricide is punishable by reclusion perpetua to death, Mrs. Sison. I will used the term patricide for this case since this is a case of a son killing his own father." Tumango naman ang babae at nakinig ng mabuti sa mga paliwanag ko tungkol sa kaso.

"Malakas ang laban natin sa kasong 'to, but I'll be honest with you, mauungkat ang lahat lahat ng nakaraan niyo, misis. Especially that you're the victim's second wife already." Tumango naman ulit siya habang nakatingin sakin.

I closed the files I was holding and faced her with a very serious expression. I saw how she slightly flinched when she saw the shift on my mood.

"Now, let me ask you a question Mrs. Sheena Sison. And I need you to tell me the truth." Seryoso kong saad sakanya.

Nakita ko ang pagdaan ng saglit na pag-aalinglangan sa mga mata niya bago siya tumango.

"Ano yun Attorney?"

"Do you have an affair with your stepson?" Gulat na gulat siya sa naging tanong ko. Hindi agad siya nakasagot kaya inulit ko ang tanong ko.

Malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko. I just needed a confirmation. Halos mag-kaedad lang si Mrs. Sison at si Rocco. At base sa ilang ebedensyang nakalap ko ay malapit ang dalawang ito.

"Mrs. Sison?" Hindi parin siya makasagot kaya mas nakumpirma lang nito ang suspetya ko.

"It's okay, don't worry. The court won't take it against you this time. Actually we can use this as a trump card instead." I assured her when I saw fear creeping into her.

"P-po?" Taka nitong tanong ng marinig ang sinabi ko.

"You're a widow now. Hindi ka na pupwede sampahan ng adultery dahil wala naman na ang asawa mo and we can use that to strengthen our claims." Nakangisi akong umatras palayo sa table at isinandal ang likod ko sa upuan before crossing my arms in front of my chest.

"Now, I need you to tell me everything. Everything from the start, paano kayo nagkakilala ni Rocky, how you end up getting married, paano at kailan nag-umpisa ang sa inyo ni Rocco. I need to know everything." Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang sunod sunod na paglunok niya.

Are you hiding something?

"Are we clear about that?" I asked her, watching her every move.

She took a deep breath before she stared at me for awhile and finally nodded.

"Good." I complimented and glanced at my wristwatch to check for the time.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now